Melai Cantiveros and Jason Francisco spend family time after admitting marital problem

Real-life couple Melai Cantiveros and Jason Francisco, together with daughter Amelia Lucille, bond in a beach trip this weekend. Just recently, Melason addressed the breakup issue by denying it, but admitted that they had a misunderstanding.


Matapos aminin nina Melai Cantiveros at Jason Franciso na may pinagdadaanan ang kanilang pagsasama, sinisikap ngayon ng mag-asawa na pagtibayin ang kanilang relasyon.

Inamin ng Melason na kakulangan sa oras para sa isa’t isa ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan.

Read: Melason admits marital problem; denies separation

Sa kanilang Instagram post ngayong weekend, nagpunta sa beach sina Melai at Jason, kasama ang kanilang anak na si Amelia Lucille, para magkaroon ng family time.

Sa video na mapapanood sa kanilang joint Instagram account, makikita ang mag-inang Melai at Amelia Lucille habang nag-e-enjoy, samantalang si Jason ang kumukuha ng video.

Pahayag ng Melason sa caption: “Medyo matagal din namin di nagawang mag-bonding ulet, masaya na naman ang batang si Mela, dahil kasama n’ya si Mama at Papa n’ya.

“Kelangan talaga kahit maraming trabaho ang bawat isa, huwag kalimutan ang oras para sa pamilya.

“Ito ang isa sa magpapatibay sa pagmamahalan at samahan, pamilya ang mahalaga sa lahat.

“Pasalamat sa Dios sa mga biyaya na ibinibigay pero ang higit dapat ang binigay N’yang biyaya sa ‘tin, yun ay ang pamilya, na mas higit na pahalagahan, walang katumbas na halaga iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN