Are Sam YG and Joyce Pring in a relationship?

"Balita ko may chismis na kumakalat..Nagwwild na ba kayo?" radio and TV host Sam YG posted on his Instragram account following rumors that he and fellow radio jock Joyce Pring are engaged.


Naging usap-usapan sa social media ang diumano'y relasyon ng kilalang radio show hosts na sina Sam YG at Joyce Pring.

Ito ay matapos silang i-congratulate ng kapwa nila radio host na si DJ Tony Toni sa Instagram kahapon, May 29.

Sabi ni DJ Tony Toni sa kanyang caption sa larawan nina Sam YG at Joyce: “I'd like to congratulate@_samyg and @joycepring for finally making their relationship official on Facebook!! It ain't official till you announce it on FB!! You both deserve each other. Don't forget to put [ring] on the left hand !!!”

Hirit pa niya, “Never would I have dreamt that you'd propose this quickly but as they say when you know, you just know!! Yes I will host your wedding !!!”

Mas lalo pang nagtaka ang kanilang followers tungkol sa balita nang mag-post si Sam YG ng larawan nila ni Joyce sa kanyang Instagram account ngayong araw, May 30.

Sabi pa niya, “Balita ko may chismis na kumakalat..Nagwwild na ba kayo? Kami rin nasa wild..literal! Happy Monday guys! Sana mag-guest si @joycepring sa @boysnightout899 tomorrow para masagot ang mga tanong.”

Gayundin si Joyce sa kanyang Twitter account, na may kasamang tila paalala: “Isang magandang umaga sa atin na mga naniniwala sa kahit anong makita sa social media.”

MIXED REACTIONS. Kaugnay ng posts na ito, may ilang natuwa at may ilan namang pinagdudahan ang post ni DJ Tony Toni tungkol sa diumano'y relasyon nina Sam YG at Joyce.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon sa Twitter:

Ano sa tingin ninyo, PEPsters?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN