Kaye Abad and Paul Jake Castillo start preparing for their wedding

Kaye Abad on Paul Jake Castillo being 'the one' for her: "Totoo pala talaga iyong sinasabi nila na mararamdaman mo lang iyan basta, na pag ready ka na o alam mo na siya na yung gusto mong makasama sa pagtanda. Parang ang weird, e, na ma-feel mo lang na sure ka na sa taong ito. Kahit na minsan nagtatalo kayo, nag-aaway kayo, at the end of the day, parang feeling mo pa rin siya pa rin talaga, e."


Unti-unti nang pinagpaplanuhan ng newly-engaged couple na sina Paul Jake Castillo at Kaye Abad ang kanilang kasal pagkatapos mag-propose ng aktor sa kanyang kasintahan sa mismong birthday ng aktres noong May 17.

Read: Kaye Abad now engaged to Paul Jake Castillo

Hindi pa raw sila nakakapili ng wedding date dahil kumukonsulta pa sila sa feng shui expert tungkol dito.

Sabi ni Paul Jake, “Yung family namin kasi believes in feng shui.

“So, we’re trying to look for the right date na papayag yung feng shui.

“May mga dates naman silang ibinigay, pero iyon nga, problema na niya [Kaye] iyon, tapos na ang problema ko, e,” biro pa niya.

Ito ang inamin ni Paul Jake nang mag-guest sila ni Kaye sa ABS-CBN morning talk show na Magandang Buhay, na ipinalabas kaninang umaga, May 30.

Para raw kasi kay Paul Jake, “bride thing” na ang pagpili ng wedding date.

Sabi tuloy ni Kaye, “Ayaw niya talagang tumulong.

“Sabi niya, ‘It’s a bride thing.’ Sabi ko, ‘Wala akong katulong.’”

OTHER WEDDING DETAILS. Gusto pala sana ni Kaye na may touch ng black ang color motif ng kasal niya, pati na ang gown niya.

Pero naunahan na raw siya ng kapatid niyang si Sarah Jane Abad sa konseptong ito.

Sabi ni Kaye, “Iyon talaga yung gusto ko dati, black.

“E, nauna na siya sa akin, nagawa na niya, so iba na lang.”

Anong color na ang gusto niya?

“Gusto ko dark tones, ayoko ng pastel.”

Church, garden o beach wedding?

“Ayoko ng beach kasi pagkatapos ng kasal, iba na yung kulay ko. Baka church.”

Anong nakikita niyang theme na gusto niya?

“Simple lang, ayoko ng sobrang puro flowers. Gusto ko may candles and lights.

“Kahit crepe paper na lang yung gagawing flowers, okay na yun, makatipid,” biro ni Kaye.

THE ONE. Kailan nalaman ni Paul Jake sa sarili niya na gusto na niyang pakasalan si Kaye?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa former PBB housemate, “Well, on that day [ng proposal] lang talaga. Sabi ko, ‘Okay na ‘to.’

“Yung mom ko nga nagalit, sabi niya, ‘Bakit biglaan? Why Tuesday na?’

“Sabi ko, ‘Kung hindi sa Tuesday, kailan pa, di ba?’

“So, yun, I decided na.

“Actually, I told my mom na nga, e… actually, she asked me, ‘Ano yung plans mo, Jake?’

“Sabi ko, ‘Unahin ko na yung baby.’ Nagalit siya, e, ayaw niya.

“So, iyon, kailangan madaliin na yung wedding para sana makabuo na ng baby.”

Paano nila naramdaman na ang isa’t isa na ang “the one?”

Saad ni Kaye, “I guess you just feel it.

“Totoo pala talaga iyong sinasabi nila na mararamdaman mo lang iyan basta, na pag ready ka na o alam mo na siya na yung gusto mong makasama sa pagtanda.

“Parang ang weird, e, na ma-feel mo lang na sure ka na sa taong ito.

“Kahit na minsan nagtatalo kayo, nag-aaway kayo, at the end of the day, parang feeling mo pa rin siya pa rin talaga, e.

“Kahit ano yung pagdaanan niyo, willing kang pagdaanan yun na kasama siya, yung hindi ka gumi-give up. 

“So, I guess iyon yun. Kaya ko ito kasi siya talaga yung gusto ko.”

Dagdag naman ni Paul Jake, “Totoo nga iyon.

“Pagpaplanuhan mo naman na you want to get married, you want to have babies, siyempre everyone wants that.

“Sino ba ang ayaw magka-baby, magka-asawa? But that moment na masasabi mo na ito na iyon.”

Ano ba ang minahal nila sa isa’t isa?

Sagot ni Paul Jake, “Siyempre naman what I love about my fiancée, you know that feeling when you don’t have to pretend kung sino ka.

“You don’t have to pretend kung tama ba yung ginagawa mo o mali ba yung ginagawa mo, or you have to react in a different way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo yung comfortable na kami.”

Ayon naman kay Kaye, “Ganun din. Kasi yung personality niya, tamang timpla.

“Ayoko rin kasi sa lalaki yung sobrang pa-sweet, yung clingy. Gusto ko yung medyo lalaki talaga na brusko.

“Well, I guess since magkaibigan nga kami, hindi niya ako tinatrato na parang sweet-sweet na ganyan.

“Hanggang ngayon, parang magkaibigan pa rin kami.

“Noong naging kami nga, sinabi ko sa kanya, ‘Ayokong magbabago kung paano mo ako tratuhin. Kung paano tayo before, sana ganun pa rin.’”

Inamin pa ni Kaye na natuto siyang magluto dahil kay Paul Jake.

PROMISE TO EACH OTHER. Bukod sa pagbibigay ng mensahe sa isa’t isa, hiningan din ng Magandang Buhay hosts na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal, at Melai Cantiveros ang dalawa ng pa-sample ng kanilang wedding vows.

Nauna si Kaye, “Ano bang message? Siguro, ano lang, hindi ko mapa-promise na magiging perfect ang mga susunod na araw.

“But I will try my best na maging masaya at maayos and I’ll be more patient. And, iyon, ingat.”

Ayon naman kay Paul Jake, “I know things won’t be easy, but this is gonna be a first for us, and hopefully it will be the last.

“Life won’t be always happy, siyempre may small bumps diyan along the way, challenges. I know in every challenge we’ll get to it together.

“I promise that I will take care of you hanggang sa dulo. I promise you that we will have a happy family.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN