Gabby Eigenmann applauds international wins of Jaclyn Jose, Sid Lucero

Gabby Eigenmann is a proud carrier of his family name. He says, "Alam mo naman kami, from our parents, down to ibang relatives, maano yung passion namin sa pag-aartista."

 


Isa sa tuwang-tuwa sa panalo nina Jaclyn Jose at Sid Lucero sa international film festivals ay ang aktor na si Gabby Eigenmann.

Si Jaclyn, na nanalong Best Actress sa 69th Cannes Film Festival para sa pelikulang Ma' Rosa, ay madrasta ni Gabby at ina ng half-sister ng aktor na si Andi Eigenmann sa kanilang yumaong ama na si Mark Gil.

Si Sid, na nanalong Best Actor 19th Los Angeles Comedy Festival para sa pelikulang Toto, ay half-brother naman ni Gabby sa kanilang ama na si Mark Gil.

Pahayag ni Gabby tungkol sa pagkapanalo ni Jaclyn, “Natuwa ako, tuwang-tuwa ako, sobra.

“Gabi nangyari yun, e, nabalitaan ko lang ng madaling-araw sa Twitter, sa Instagram, sabi ko, 'Uy, nanalo.'

“So, tinawagan ko agad. In fairness, alas-kuwatro ng madaling-araw dun [France], yung phone ko lang ang sinagot niya.
 
“Sabi niya kanina, 'Ang dami ngang tumatawag, si Gabby lang ang sinagot ko.'

“Ang dami-dami niyang kuwento, tuwang-tuwa siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa welcome lunch para sa Cannes Best Actress ng PPL Entertainment Inc., sa pangunguna ng manager nila na si Perry Lansigan, noong May 26.

FOR ANDI. Isa raw sa rason kung bakit tinanggap ni Jaclyn ang pelikukang Ma' Rosa ni Brillante Mendoza ay para sa kanyang anak na si Andi at para na rin maranasan nito ang red carpet ng Cannes Film Festival.
 
Yun din ang kuwento ni Gabby.

Sabi ng Kapuso actor, “It’s actually for Andi. 

“Isa sa gusto niyang ma-accomplish na makasama ang anak niya.

“That’s why when she was doing the movie, tight din ang schedule ni Tita Jane nun.
 
“She was doing Marimar, e, ang layo-layo ng location, di ba?

“Naisingit niya ang pelikula. Siyempre, kung hindi dahil kay Andi, yung ganun. 

“So, ginawa nila at tapos yun nga, eventually, para ma-experience ang pagrampa dun.
 
“Hindi naman ine-expect na mananalo.”
 
Na-inspire din siya?
 
“Ay, sobra,” sambit ni Gabby.
 
“Pero siyempre, lahat naman ng projects na ibinibigay sa ‘yo, you will do your best. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung mindset mo, hindi dapat sa mananalo ka ng award, like si Tita Jane.

“Tuwing tinatanong siya, ano ang dream role niya, wala raw siyang dream role.
 
“Yun din naman ang sasabihin ko, kung tatanungin ako, ano ba ang dream role ko.

“Wala, e, kung ano yung proyekto, ibibigay ko yung best ko.”
 
Ayon pa sa aktor, “Sinasabi nga ni Tita Jane na nasa cloud nine siya.

“Sabi ko, hindi lang cloud nine ‘yan, cloud ten pa ‘yan. 

“Actually, nakakahawa, yung tuwa niya, yung saya niya, sa taong mga nakakausap niya.
 
“Kasi noong nakita ko yung video, kahit ako kinilabutan ako, prestigious award yun, e. 

“Parang lahat ng contemporaries niya down to new ones, it inspires more artists.”

PROUD KUYA. Bukod kay Jaclyn, nanalo rin ang kapatid niyang si Sid Lucero.

“Oo nga, e, magkasunod, natuwa naman ako,” nakangiting sabi ni Gabby.
 
Tinawagan din ba niya at binati ang kapatid?
 
“Tinext ko, sabi ko, 'Idol, pa-autograph at pa-selfie.’

“Tapos sabi niya, ‘Ha ha ha, thanks, man.’ 

“Busy rin kasi siya.”
 
Dugtong pa niya, “Nakakatuwa kasi nakikita mo yung passion nila sa trabaho. 

“Alam mo naman kami, from our parents, down to ibang relatives, maano yung passion namin sa pag-aartista.”
 
Maging ang kapatid na si Andi ay napansin sa nakaraang Cannes Film Festival at napasama sa Best Dressed list ng Vanity Fair.
 
Proud kuya rin ba siya kay Andi?
 
Sagot ni Gabby, “Oo naman, siyempre it’s an experience… makita mo ang kapatid mo na napapansin, nakakatuwa.”
 
Sa ngayon, naghihintay lang si Gabby na magsimula ang bagong seryeng gagawin niya sa GMA Network. 

May ilang buwan na rin siyang hindi gumagawa ng teleserye mula nang matapos ang Beautiful Strangers.
 
Pero nagkaroon naman daw siya ng pagkakataon ngayong mag-focus at maasikaso ang mga negosyo niya.
 
Ayon pa kay Gabby, “Sa ngayon, alam ko naman na yung mga followers, naghihintay sila. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, abangan na lang nila, hintayin na lang nila, it’s a surprise.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN