Toni Gonzaga opens up about her first pregnancy: "Parang luka-luka ka pala minsan kapag pregnant."

Toni Gonzaga on husband Paul Soriano: "Malaking tulong talaga ang asawa sa nagbubuntis. Kasi yung emotional support ang kailangang-kailangan mo more than anything. At saka, siya ang palaging nag-a-assure sa akin na, 'Ang ganda-ganda mo. I'm so proud of you. You're so great.' Yung kapag medyo ang pangit-pangit ko na, siya yung 'you're so beautiful.' Ako yung pinakamaganda."


Nasa second trimester na si Toni Gonzaga sa una nilang anak ng mister niyang si Paul Soriano. 

Kaya anumang araw ay malalaman na nila kung ano ang gender ng kanilang panganay na anak.

Ayon kay Toni, tuwing magpapa-ultrasound sila ay ayaw magbigay ng maagang announcement ng doktor niya.

“Kasi raw baka umasa kami, ayaw nilang magbigay ng false hope,” sabi ng TV host-actress nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng ABS-CBN sitcom na Home Sweetie Home noong May 24.

Magkaiba raw sila ng gustong gender ni Paul sa panganay nilang anak.

Sabi ni Toni, “Well, noong bata ako, pangarap ko noon na magkaroon ng kapatid na lalaki, kasi wala kaming lalaki. 

“Si Paul naman, gusto ng babae, kasi limang lalaki sila. Kami naman, dalawang babae.

“So, kahit na ano.”

Sa ngayon, hindi pa raw nakakapili ng pangalan sina Toni at Paul para sa kanilang panganay na anak dahil hindi pa nga sila sigurado kung lalaki o babae ito.

THE DISCOVERY. Matatandaang hindi agad inanunsiyo nina Toni at Paul na buntis na ang TV host-actress, sa kabila ng may mga balita nang lumabas tungkol dito.

Pero ano ang kanilang naging reaksiyon nang malaman nilang buntis na siya?

Ayon kay Toni, “Na-shock, na shock kami.

“Akala ko nga, parang sa pelikula na mag-iiyakan kayo, tatalon. Hinihintay ko nga ang ganung moment.

“So, ganun, shocked.”

Bago sila ikasal ay sinabi ni Toni na mas gusto nila ni Paul na i-enjoy na silang dalawa muna kaya hindi muna nila iniisip na magkaroon agad ng anak.

Pero hindi nangyari ang plano nila dahil nakabuo agad sila pagkatapos magpakasal.

“Oo, parang after a year,” pag-amin ni Toni.

“Pero dun ko rin na-realize na kahit anong plano ng mag-asawa, nasa Diyos talaga. Kay God talaga kung kailan niya ibibigay.”

Hindi rin daw katulad ng ibang babae na nade-delay ang monthly period kaya siya nag-pregnancy test.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Toni, “Hindi ako delayed. Parang two weeks pa before. 

“At saka regular ako, wala akong delay. 

“May na-feel lang akong something different sa katawan ko.

“Hindi ako nahihilo. Nagising lang ako one time na, sabi ko, parang weird.

“Nag-test lang ako kaya ako na-shock.”

FIRST TRIMESTER. Mas nahirapan daw talaga si Toni noong first trimester niya.

“Suka, hilo, dizziness…

“Ngayon naman, medyo ano na lang, meron ako palaging masahista, yung panghilot lang ng ulo.

“Kapag kasi ganito, nagtatrabaho.”

Si Mommy Pinty ba ay katulad din niya noong nahirapan sa pagbubuntis sa kanila ni Alex?

Sabi ni Toni, “Parang hindi, e.

“Kasi naaalala ko si Mommy, kuwento niya noong nabuntis siya sa akin, nagtatrabaho siya, nag-oopisina siya.”

Bagamat nahirapan si Toni sa first trimester niya, masasabing “happy pregnancy” pa rin siya.

“Yung first three, yun talaga ang naninibago.

“Parang, ano ba ang nangyayari, may pagbabago sa katawan, palaging hilo. 

“Katatayo ko pa lang, parang gusto kong mahiga ulit.

“Tapos hindi ko magawa yung mga dati kong ginagawa, e, pinaka nanghina ako noong sinabi na magbawas ka ng trabaho. 

“E, sanay akong magtrabaho.

“Kaya nung sinasabi na magbawas ka ng trabaho, sabi ko, dun ako parang, feeling ko… parang dun ko naramdaman na hindi na normal ang kalagayan ko.

“Akala ko kasi, parang kaya ko lahat, walang mababago.”

FIRST-TIME PARENTS. Ilang buwan na lang ay mangangangak na si Toni at halata na rin ang baby bump niya.

Gaano sila ka-excited na maging mommy at daddy?

Ayon kay Toni, “Sa aming dalawa, ako kasi yung nagta-transition pa.

“So, ang dami… mixed emotion ako palagi, yung hormone ko, iiyak na lang bigla, masaya.

“Parang luka-luka ka pala minsan kapag pregnant.

“Parang minsan, luka-luka na lang talaga ko. 

“Kapag nanonood ka ng TV, bigla ka na lang iiyak.

“Minsan kahit hindi ko alam ang story, iyak ka na lang nang iyak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa commercial, naiiyak ako. Kapag may mga commercial ng baby, naiiyak ako.”

Wala naman daw partikular na pagkain na pinaglilihian si Toni.

“Wala akong cravings sa food, sa tao lang. Siya palagi yung hinahanap ko lang.”

SUPPORTIVE HUSBAND. Ipinagmamalaki naman ni Toni ang mister niyang si Paul na napaka-supportive daw sa kanya.

Kuwento niya, “Alam mo, doon mo pala talaga maa-appreciate yung asawa mo. 

“Kaya malaking tulong talaga ang asawa sa nagbubuntis.

“Kasi yung emotional support ang kailangang-kailangan mo more than anything.

“At saka, siya ang palaging nag-a-assure sa akin na, ‘Ang ganda-ganda mo. I’m so proud of you. You’re so great.’

“Yung kapag medyo ang pangit-pangit ko na, siya yung ‘you’re so beautiful.’ Ako yung pinakamaganda.”

Natatawang pagpapatuloy ni Toni, “Ako yung, sasabihin ko sa kanya, ‘I look like Jollibee’

“Kasi, lumalaki ang tiyan ko at yung puwet ko.

“Pero sasabihin niya, ‘No, you’re so beautiful.’”

Parehong raw excited ang kani-kanilang pamilya ni Paul dahil pareho ring unang apo ang magiging anak nila bilang pareho silang panganay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN