Darren Espanto posts cryptic message about backstabbers

Maraming mga tagahanga ang young singer na si Darren Espanto na nag-aalala dahil sa kanyang posts sa Instagram tungkol sa 'backstabbers.' Ayon pa sa mga fans, dapat ay huwag na lang ito pansinin ni Darren.


Palaisipan sa fans ng young singer na si Darren Espanto ang Instagram posts niya kagabi, May 29.

Tungkol ito sa ‘backstabbers’ o yung mga nanlilibak na mga kakilala.

Sabi ng 15-year-old singer, “Don't worry about backstabbers, they're the people who tried their hardest finding faults in your life instead of fixing the faults in theirs.”

Nauna nang ipinost ng The Voice Kids runner-up ang tungkol pa rin sa mga naturang backstabbers sa pamamagitan ng isang photo message. Pero kaagad din niya itong binura.

Agad namang nagpaabot ng mensahe ng pagmamahal ang Darrenatics sa tinagurian nilang 'Mayor Bibe.'

Hindi malinaw kung sino ang tinutukoy ni Darren o para kanino ang kanyang mensahe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN