Singer Maya on BF Geoff Eigenmann: "Sweet siya, super sweet."

Maya is in a happy relationship with Geoff Eigenmann. "Happy po naman ako sa mga nangyayari. Yung hindi mo pinipilit ang mga bagay-bagay, lahat lang siya, nagpo-fall into place."

 


Hindi masagot ng singer na si Maya kung gaano na katagal ang relasyon nila nila ng aktor na si Geoff Eigenmann.

Pero inamin nitong nagsimula ito nang mag-post sila ng "Day 1" sa kani-kanilang Instagram accounts.

Hindi rin daw sila nagse-celebrate ng monthsary.
 
Sabi ni Maya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala po kaming monthsary, hindi kasi talaga ako nagse-celebrate ng monthsary talaga. 

“Mas ano yung anniversary, parang special.”
 
Sa palagay ba niya ay si Geoff na ang “the one” para sa kanya?

“Oo naman,” nakangiti at mabilis na sagot ng singer.
 
Napag-uusapan na nila ni Geoff ang future?
 
“Usap-usap lang.

“Basta lahat po ng mga nangyari from the past months, hindi ko naman po ini-expect ang lahat ng yun.

“Happy po naman ako sa mga nangyayari.
 
“At saka, yung mga past relationships ko po, usually matagal talaga, like three years. 

“Pero itong kay Geoff, parang matagal ko na siyang kilala.

“Parang yung feeling mo lang na tama, yung ganung feeling.
 
“Yung hindi mo pinipilit ang mga bagay-bagay, lahat lang siya, nagpu-fall into place.”

SWEET BF. Sa ilang buwan na nilang relasyon, paano niya ilalarawan si Geoff?
 
“Masaya nga po, parang getting to know, yung mas deep na po.”
 
Ano yung mga mas malalim na pagkakakilala niya kay Geoff?
 
“Ano po, nahihiya ako... ano po siya, sweet, maalaga.”
 
Natawa si Maya sa komentong hindi sweet ang dating imahe na nabalita tungkol kay Geoff bilang isang boyfriend.
 
Reaksiyon niya, “Parang hindi nga raw sweet, di ba?

“Pero sweet po siya, super sweet po,  maasikaso po siya, maalaga. 

“Like, kunwari may sakit ka, aalagaan ka niya. 

“Pupunta siya sa bahay, may dalang food, ganun po.
 
“At saka madalas may mga gigs ako, madalas po na sinusundo niya ko, hinahatid, yun po.”
 
Si Maya ay sa Marikina nakatira, habang si Geoff naman ay taga-Parañaque.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MEET THE FAMILY. Kamakailan lang ay nakausap naman ng PEP ang ina ni Geoff, ang actress-director na si Gina Alajar.

Positibo ang mga naging pahayag nito tungkol sa relasyon nina Geoff at Maya.
 
Isa nga sa sinabi ni Gina ay masaya itong nakikita niyang napapangiti ni Maya ang kanyang anak.
 
Ano ang masasabi ni Maya dito?
 
“Siyempre, na-touch naman po ako at saka mabait naman po kasi si Tita Gina.”
 
Paano naman ang naging pagpapakilala sa kanya ni Geoff sa mommy niya?
 
“Sabi po niya, 'My girlfriend,'” nahihiyang sabi Maya.
 
Masaya raw siyang maramdaman ang naging pagwe-welcome naman sa kanya ng pamilya ni Geoff.

“Yun nga po, sobrang na-touch ako.

“Sobrang warm nila sa akin. Kahit noong first time naming na-meet.”

NEW ALBUM. Sa isang banda, ipinakikilala si Maya ng PPL Entertainment Inc. kasabayan si Migz Haleco bilang duo.
 
Hindi ba mahirap para sa kanila na open naman siya sa relasyon nila ni Geoff?
 
“Hindi naman po, okey naman po. 

Hindi ba nagiging dahilan para pagselosan ni Geoff ang ka-duo niya?
 
Sagot ni Maya, “Hindi po, hindi po talaga.

“Siguro noong una, noong nagkakilala pa lang kami, kaming dalawa talaga ni Migz ang palaging magkasama sa mga gigs.

“Pero nang makita naman po niya ang relationship namin, wala naman po siyang masabi.”

Banggit pa niya, “Ngayong June po, iri-release na rin po ang first album namin, Migz and Maya po under Star Music.”
 
Karamihan daw ay covers ng OPM songs ang mga kantang nakapaloob sa album nila at may original din daw at solo songs sila.
 
“Maganda po siya, mix siya and easy listening lang talaga siya, kahit na nasa kotse ka.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN