Senator-elect Manny Pacquiao vows support for President-elect Rodrigo Duterte

President-elect Rodrigo Duterte and Senator-elect Manny Pacquiao affirm their support of each other despite belonging to rival political parties at a dinner last Saturday, May 28. Also in photo is Jinkee Pacquiao.


Ipinahayag ni Senator-elect Manny Pacquiao ang kanyang suporta sa kakaproklamang pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte sa isang panayam sa Pambansang Kamao nitong weekend.

Nag-dinner sina Pacquiao at Duterte sa isang restaurant sa Davao City nitong Sabado, May 28, kasama ang asawa ni Pacquiao na si Jinkee, ang running mate ni Duterte na si Sen. Alan Peter Cayetano at kapatid nitong si Sen. Pia Cayetano.

Nag-post pa ng larawan sa kanyang Instagram account si Pacquiao at sinabing karangalan para sa kanya na muling makaharap si Duterte.

Nag-post din ng mga larawan si Jinkee sa kanyang Instagram account.

I thank the Lord for the opportunity to have a picture taken with the incoming President of the Republic of the Philippines Rodrigo Duterte. ð���ð��� Mabuhay ang Pilipinas! "Leadership is the capacity to translate vision into reality." ð��� Proverbs 14:34 "Righteousness exalts a nation...." Exodus 18:21-23 NLT [21] But select from all the people some capable, honest men who fear God and hate bribes. Appoint them as leaders over groups of one thousand, one hundred, fifty, and ten. [22] They should always be available to solve the people's common disputes, but have them bring the major cases to you. Let the leaders decide the smaller matters themselves. They will help you carry the load, making the task easier for you. [23] If you follow this advice, and if God commands you to do so, then you will be able to endure the pressures, and all these people will go home in peace.” … Let us pray for our leaders in our country! To God be all the glory!

A photo posted by jinkeepacquiao (@jinkeepacquiao) on

SUPPORTING EACH OTHER. Nang makapanayam ng Davao press si Pacquiao, sinabi nitong suportado nila ni Duterte ang isa't isa bago pa man magsimula ang panahon ng kampanya at eleksyon.

"Noon pa man hanggang ngayon, ang suporta ko na kay Digong," pahayag ng boksingero.

Katiket ni presidential candidate Vice President Jejomar Binay si Pacquiao sa ilalim ng United Nationalist Alliance o UNA, habang si Duterte ang standard-bearer ng PDP-Laban.

Kasama si Pacquiao sa naunang senatorial list ni Duterte, subalit natanggal ito nang makumpirma ang pag-anib niya sa UNA.

Bilang patunay ng kanilang magandang samahan, kahit hindi magkapartido, ikinampanya pa rin ni Duterte si Pacquiao nang ganapin ang miting de avance nito sa Luneta Park noong May 7.

Binanggit din noon ni Duterte na magkaibigan talaga sila ni Pacquiao.

Ani Duterte noong miting de avance: "Even if he is with VP Binay, I would still like to pitch for him. Huwag ninyo siyang kalimutan.

"Kahit wala siya sa akin at doon siya sa kabila, kindly suportahan ninyo si Pacman.

"Kaibigan ko siya. Pareho kaming taga-Mindanao at magkasama kami sa sakripisyo at kaligayahan."

Ipinagtanggol naman ni Pacquiao ang sarili sa mga nagsasabing balimbing ito.

Sinabi nitong naka-oo na ito kay Binay noon kung kaya’t pinanindigan na niya ang nasabing desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng Pambansang Kamao, gusto niyang ipakita na pinahalagahan lang niya ang kanyang pag-commit.

Samantala, ipinagtanggol ng netizens na sumusuporta kay Pacquiao ang tumawag sa incoming senator na "balimbing."

Depensa nila, noon pa man ay magkaibigan na sina Duterte at Pacquiao, at nagdesisyon ang Pambansang Kamao na umanib kay Binay dahil sa urong-sulong pa noon si Duterte kung tatakbo o hindi.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN