Jim Paredes criticized for posting meme about President-elect Rodrigo Duterte

Ayon sa ibang netizens, parang hindi pa maka-move on si Jim Paredes sa katatapos lamang na eleksyon dahil sa pagpu-post nito ng meme ni President-elect Rodrigo Duterte na nasa imahe ng Sto. Niño. Palaban naman ang singer sa kanyang mga komento laban sa mga bumatikos sa kanya.


Lumikha ng ingay sa social media ang tweet ng singer na si Jim Paredes noong May 24 tungkol kay President-elect Rodrigo Duterte.

Obserbasyon kasi ng ilang netizens, tila nilapastangan ng beteranong mang-aawit ang imahe ng Sto. Niño dahil sa pagdikit nito ng mukha ni Duterte.

Caption niya: “I now reject the Son of God from Davao. I believe Duterteronomy as my bible.”

Sinamahan ito ni Jim ng larawan ni incoming President Duterte na naka-drawing sa imahe ng santo.

May nakasulat pa dito na: “TATAY DIGONG LOVES YOU. HE IS YOUR ONLY HOPE AND SAVIOUR.”

Matapos nito, dinagsa na ng komento ang post ni Jim.

Ayon sa ilang netizens, tila hindi pa rin maka-move on ang dating miyembro ng APO Hiking Society sa election gayong tapos na ang bilangan at naiproklama na ang mga nanalo.

Hindi lingid sa kaalaman ng marami na supporter si Jim ng Mar Roxas-Leni Robredo tandem ng Liberal Party.

DISRESPECTING STO. NIñO? Ayon naman sa isang nakasagutan ni Jim, bakit daw idinamay pa nito ang imahe ng Sto. Nino sa kanyang pagbatikos kay Duterte.

Sagot ni Jim, hindi naman daw ito Sto. Nino kundi kamukha ng bida sa isang pelikula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN