KC Concepcion responds to basher who called her 'laos'

KC Concepcion posts a number of tweets in response to accusations such as being 'laos' and not having projects on TV.


Sunud-sunod ang tweets ni KC Concepcion blang pagdedepensa sa sarili na masaya siya sa kanyang sitwasyon ngayon, kahit na wala siyang regular na proyekto sa telebisyon at pelikula.

Tila sagot ang tweets ni KC sa tirada ng isang basher na tinawag siyang "laos" at kinutya pa ang supporters ng Kapamilya actress-TV host na humihiling sa kanyang magbalik na sa telebisyon.

Sinabi pa ng basher na hindi umano binibigyan ng proyekto si KC ng kanyang home network.

KC DEFENDS HERSELF. “Why can't people understand that I love my life right now? Do you have to accept movie or teleserye projects to be able to say u'r 'happy'?” bungad ni KC sa kanyang Twitter ngayong umaga ng Martes, May 31.

Sabi pa ni KC, hindi lahat ay tungkol sa career, kundi sa iba pang aspeto ng buhay na hindi kayang bayaran ng pera ang makapagbibigay ng saya.

Nilinaw pa ng actress-TV host na may kontrata pa siya sa ABS-CBN at nagpapasalamat siya sa mga proyektong ibinibigay nito sa kanya.

Mas pinili raw niyang iwan pansamantala ang showbiz at mag-focus sa ibang bagay, kagaya ng kanyang mga negosyo, hosting, at charity works.

Pinasalamatan din ni KC ang kanyang mga tagasuporta sa pang-unawa sa kanyang desisyon at tiniyak sa kanilang babalik siya sa showbiz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN