Robin Padilla tagged as alleged previous owner of house in Pampanga drug bust

Robin Padilla: "Kapag napatunayan na totoo ang sinabi ng Inquirer at ng GMA-7 patungkol sa akin, hihilingin ko kay Mayor Duterte na ako ang unang bitayin nya sa kanyang pag-upo bilang Pangulo."


Inalmahan ni Robin Padilla ang pagdawit sa kanyang pangalan sa ulat hinggil sa isang drug bust operation na isinagawa sa Angeles City, Pampanga, kahapon, May 31.

Sa kanyang Instagram post pasado ales-tres ng umaga, nagbahagi ng mensahe si Robin patungkol sa ulat ng GMA News at Philippine Daily Inquirer.

Pahayag ni Robin, “Kapag napatunayan na totoo ang sinabi ng Inquirer at ng GMA-7 patungkol sa akin, hihilingin ko kay Mayor Duterte na ako ang unang bitayin nya sa kanyang pag-upo bilang Pangulo.”

Kalakip nito ay ang screenshots ng ulat tungkol sa nakumpiskang liquid shabu, na nagkakahalaga diumano ng 1.2 billion pesos, sa isang residential property sa Villa Dolores Village, Angeles City, Pampanga.

IS ROBIN THE PREVIOUS OWNER OF THE HOUSE? Base sa umereng Balitanghali episode ng GMA News kahapon, pahapyaw na nabanggit na dating pag-aari diumano ni Robin ang sinasabing residential property.

Sabi ng reporter na si Emil Sumangil sa isang bahagi ng kanyang live report, “Ang ni-raid na property na ito diumano ay dating pag-aari ng aktor diumano na si Robin Padilla.

“At nadinig ng negosyanteng si Atty. Orlando Pangilinan, na nakapanayam din natin kanina, isang Taiwanese national daw na tumutugon sa pangalang Sidijin ang umuupa ng bahay sa kanila.

“Sinasabi raw nitong Taiwanese national na ito na isang Taiwanese national ang mananatili rito at mag-aaral sa kalapit na paaralan.”

Ayon pa kay Sumangil, si Atty. Pangilinan ang natukoy na may-ari ng naturang residential property at siyang nagparenta.

Sa hiwalay na ulat ng Philippine Daily Inquirer, nabanggit din na dating pag-aari ni Robin ang bahay na iyon sa Angeles City, Pampanga.

Ngunit sa ngayon ay burado na ang bahagi kung saan nabanggit ang pangalan ng aktor.

Walang naabutang suspek ang Philippine National Police-Anti Illegal Drugs Group sa naturang shabu laboratory.

Hinihinalang nabigyan ng tip ang sinumang tumatao roon, lalo pa't naabutang bukas pa ang aircon ng silid kung saan nakatago ang galon-galong liquid shabu at iba pang aparato na ginagamit sa paggawa nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lumabas din sa paunang imbestigasyon na walang permanenteng namamalagi sa bahay na iyon nitong nakaraang dalawang buwan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN