Ervic Vijandre has good wishes for ex-GFs Ariella Arida, Rich Asuncion; lucky to co-star with Jaclyn, Regine

A starting entrepreneur in the food business, Ervic Vijandre keeps himself busy in and out of show business.


Masaya raw si Ervic Vijandre para sa ex-girlfriend niyang si Miss Universe-Philippines 2013 Ariella Arida, na co-host na ngayon ni Willie Revillame sa Kapuso game-variety show na Wowowin.

Pahayag ng Kapuso actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Kung maganda yun para sa kanya, e, di I’m happy for her, yun lang.

“Wala na ako sa posisyon para magsalita.

“I’m happy for her kung anuman ang nangyayari sa kanya.

“Kung maganda, keep on doing what you’re doing.

“Congratulations! Naging part siya ng magandang show.

“Tsaka mataas na artista si Sir Willie, so for sure maaalagaan siya dun.”

Ang isa pang ex-girlfriend ni Ervic ay ang StarStruck alumna na si Rich Asuncion.

Maganda ang career ni Rich bilang mainstay ng The Millionaire’s Wife at masaya rin ang love life sa piling ni Ben Mudie, ang Filipino-Australian player ng Philippine Volcanoes.

Magkaibigan pa ba sila ni Rich?

“Oo, nagha-hi naman ako sa kanya,” sagot ni Ervic.

Sa text?

“A, hindi, hindi. Pag nagkikita, oo.”

Sa parte ni Ervic, may nagpapatibok ba ng puso niya ngayon?

“I’m happy! I’m happy.

“Kuntento ako sa mga projects na ibinibigay sa akin ng GMA!” tumatawang pag-iwas ni Ervic na pag-usapan ang kanyang personal life.

Pero nagbigay siya ng clue na non-showbiz ang babaeng espesyal sa buhay niya ngayon.

So, meron siyang girlfriend ngayon?

“Meron akong show dalawa, Poor Senorita at saka itong A1 Ko Sa ‘Yo,” tawa na naman niya.

Dagdag ni Ervic, “Sobrang blessed ako ngayon so...

“Sabi ko nga, may mga masamang nangyari, may mga pagsubok, pero hindi pa rin ako pinapabayaan.”

LUCKY GUY. Si Ervic at dating talent ng Mercator Artist and Model Management Inc., pero ngayon ay exclusive artist na siya ng GMA Artist Center.

Masuwerte nga raw siya dahil sa A1 Ko Sa ‘Yo ay kasama niya ang 2016 Cannes Film Festival Best Actress na si Jaclyn Jose, at kasama naman niya sa Poor Señorita ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Ervic, “Nung una, sobrang nahihiya ako, kasi siyempre, si Regine Velasquez, sa TV ko lang nakikita.

“Ngayon, bebeso ako bago mag-eksena, alam mo yun?

“Tapos eto nga, si Ms. Jaclyn, nakakakuwentuhan ko siya.

“Sobrang light lang, hindi mo mapi-feel na si Jaclyn Jose ito!

“Sobrang ang sarap niyang katrabaho, kasama sa set, sobrang proud ako.

“Yung first Filipino na Best Actress sa ganung kataas na award-giving body, kasama ko ngayon!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN