Lea Salonga asked to choose between Sharon Cuneta and Sarah Geronimo

Lea Salonga (left) answers a netizen who asked her to choose between former The Voice Kids coach Sarah Geronimo and new coach Sharon Cuneta (right). Lea replied by saying they are both very different and she likes them both very much.


Sumagot si Lea Salonga nang matanong tungkol sa kanyang working relationship kay Sharon Cuneta sa The Voice Kids Season 3.

Sa pamamagitan ng Twitter, nagpa-question-and-answer ang Broadway star sa kanyang followers ngayong umaga ng Miyerkules, June 1.

Isa sa mga paksang tinalakay ay ang pinakabagong coach/judge ng reality-based kiddie talent show na si Sharon, na pumalit kay Sarah Geronimo.

Kahapon, May 31, nauna nang tinanong si Lea kung scripted ba ang sagutan at interaksiyon ng mga coach/judge.

Ayon kay Lea, kadalasan ay hindi scripted ang sagutan ng mga hurado.

Sundot na tanong ng isang netizen, may ilangan ba sa pagitan nila ni Sharon na pumasok bilang bagong coach ngayong third season?

Sagot ni Lea, walang ilangan sa kanila ng Megastar dahil matagal na nilang kilala ang isa't isa.

Sobrang masaya raw kasama si Sharon tuwing episode dahil tawa lang sila nang tawa.

Umiwas naman ang Broadway star nang pinapili sa pagitan nina Sarah at Sharon.

Aniya, magkaibang-magkaiba ang dalawang at gustung-gusto niya pareho ang mga ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN