Garrie Concepcion says her Papa Gabby is looking forward to meeting BF Michael Pangilinan

Garrie Concecpcion says that her father Gabby is looking forward to meet her new boyfriend, singer Michael Pangilinan. "Sabi niya (Gabby), 'Oh, when will we meet him?' Si Papa naman, very supportive."


Sinabi ni Garrie Concepcion na gustong makilala ng kanyang amang si Gabby Concepcion ang boyfriend niyang si Michael Pangilinan.

Pero hinahanapan pa raw nila ng oras ang pangyayaring ito.

Ayon kay Garrie, “Sabi niya [Gabby], ‘Oh, when will we meet him?’ Si Papa naman, very supportive.

“Kung may chance naman po [na maipakilala], why not?

“[Pero] wala pong date [kung kailan]. Kung kami nga po ni Papa walang date yung pagkikita namin, e.

“So, kung mangyayari, mangyayari.”

Nagkita na rin daw noon si Michael at ang ate ni Garrie na si KC Concepcion nang maging finalist ang singer sa ABS-CBN reality search na The X Factor Philippines, kung saan si KC ang host.

“Si Ate po kasi nakatrabaho niya si Michael noong nag-X Factor. And then, meron po yatang event na nagkasabay din sila ni Papa.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Garrie sa premiere ng Pare Mahal Mo Raw Ako, kagabi, May 31.

Dumalo si Garrie sa premiere night ng pelikula kung saan si Michael ang isa sa mga bida kasama si Edgar Allan Guzman.

GARRIE-MICHAEL LOVE STORY. Naikuwento rin ni Garrie na kaka-break lang niya sa dating boyfriend nang magkakilala sila ni Michael.

Saad niya, “Kasi kami ni Michael, we started no expectations talaga kami.

“Actually, I really did not expect anything, kasi when I got home from the States, kaka-break ko lang din noon.

“So when he came into the picture, wala talaga. And pati siya noon, very focused on his career.

“And then things just happened. Nanliligaw na pala siya! Hindi ko alam. Umaakyat na pala ng ligaw.”

Natatawang kuwento pa ni Garrie, pati ang mommy niya na si Grace Ibuna ay nililigawan ni Michael noon.

“Dinadalhan niya ng food si mommy!

“Kunyari bibilhan niya ako ng flowers, may flowers din si Mommy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ikaw, marunong ka, ha!’”

Ayon kay Garrie, ang Kapamilya singer ang kanyang second official boyfriend.

Sa ngayon daw, hindi muna nila iniisip kung sila na ba talaga ang para sa isa’t isa. Ang mahalaga raw ay nag-e-enjoy lang sila.

“Hindi po natin masabi. Only God knows.

“Ayoko na po, last time na nagsabi ako na sana yun na, nagkahiwalay kami.

“Baka ma-jinx ko ulit, huwag na lang. Pero right now, we’re enjoying each other’s company.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN