Angelica Yap accused of being a bad influence to Mark Neumann

Angelica 'Pastillas Girl' Yap on Mark Neumann: "Si Mark, sobrang mabait na tao. Ayokong may masabi sa kanya ang mga tao. Talagang ipinapagtanggol ko siya kapag nakakarinig ako… Kunwari pinagtsitsismisan siya, ako yung isa sa mga nagtatanggol sa kanya. Kilala ko siya personally kaya huwag niyo siyang i-judge."


Mariing pinabulaanan ni Angelica Yap, a.k.a. Pastillas Girl, sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kumakalat na balitang may kinalaman siya sa pag-alis ni Mark Neumann sa bahay ng manager at uncle nitong si Gio Medina.

Nanindigan si Angelica na hindi siya ang dahilan at walang katotohanan ang mga haka-haka na bad influence siya sa young actor.

Pahayag niya, “Hindi naman ‘yan totoo.

“Actually, nakakalungkot lang kasi alam ko naman sa sarili ko yung totoo.

“Yung sa amin ni Nay [Gio Medina], nag-usap kami nang maayos.

“Yung sa akin, yung problema namin, iba naman yun.

“Kung anuman yung misunderstanding nila ni Mark, I think si Mark lang ang puwedeng sumagot.

“Definitely, sure ako na hindi ako ang dahilan kung bakit umalis si Mark sa bahay ni Nay.”

NEW MANAGER. Inamin din ni Angelica na hindi na si Gio ang namamahala sa showbiz career niya.

Saad niya, “Hindi na po siya ang manager ko, si Mamu na [Wheyee Lozada, first cousin ng pinaslang na ina ni Angelica].”

Pero dugtong ni Angelica, “Malaki ang naitulong sa akin ni Nay. Sobrang bait niya.

“Isa siya sa mga tao na mapapasalamatan ko nang malaki kasi malaki rin naman ang naitulong niya, bukal sa puso.

“Yung utang na loob ko sa kanya, hindi ko matutumbasan.

“Siya yung nagdala sa akin sa Viva. Hindi ako magiging Viva artist kung hindi dahil sa kanya.”

NOT BAD INFLUENCE. May mensahe rin si Angelica sa napapabalitang karelasyon niya ngayon na si Mark Neumann.

Pahayag niya, “Sana lang, maging mature si Mark.

“Gusto ko rin na maging maayos ang buhay niya.

“Alam ko, hindi pa siya sanay na maging independent dito sa Pilipinas, pero independent na siya dati sa England. 

“Sana lang, mag-save siya ng money at sana mapabuti pa ang buhay niya.

“Isa ako sa mga tao na magiging proud para sa kanya kung mararating niya ang mga gusto niyang marating sa buhay niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Itinanggi rin ni Angelica na masama siyang impluwensiya sa Kapatid star.

“Alam ni Mark na hindi ‘yon totoo.

“Si Mark, sobrang mabait na tao. Ayokong may masabi sa kanya ang mga tao.

“Talagang ipinapagtanggol ko siya kapag nakakarinig ako… Kunwari pinagtsitsismisan siya, ako yung isa sa mga nagtatanggol sa kanya.

“Kilala ko siya personally kaya huwag niyo siyang i-judge.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN