GMA News reporter Raffy Tima to Duterte: "Catcalling My Wife Is Wrong In So Many Levels."

Nadismaya ang GMA-7 anchor/reporter na si Raffy Tima sa pagsipol ni President-elect Rodrigo Duterte sa asawa niyang si Mariz Umali sa isang press conference. Sabi ni Raffy, "For someone who espouses leadership by example, catcalling anyone in a press conference with all cameras trained on him defies logic."


Hindi napigilan ng GMA News anchor/reporter na si Raffy Tima na hindi mag-react sa "catcalling" o paninipol ni President-elect Rodrigo Duterte sa asawa niya at kapwa rin reporter na si Mariz Umali.

Sa halip na sagutin ni Duterte ang tanong ni Mariz sa presscon na naganap sa Davao City noong May 31 ay kumanta pa raw ito.

Ngayong gabi, June 1, naging vocal si Raffy sa Facebook na hindi niya nagustuhan ang nangyari.

Sinamahan niya ang kanyang post ng larawan ni Duterte at ng asawang nagtatanong sa presscon.

Panimula niya, “Catcalling My Wife Is Wrong In So Many Levels.

“I expected that from a Mayor Duterte. I know his reputation well enough not to be shocked by it, but that does not make it right.

“For someone who espouses leadership by example, catcalling anyone in a press conference with all cameras trained on him defies logic.

"Then again, that's Mayor Duterte.”

Ang labis pa raw ikinadismaya ni Raffy ay ang tila pangungunsinti ng mga taong nasa venue sa inasal ni Duterte.

Sabi ng GMA News reporter, “What appalled me even more was how some people in the room reacted.

“Most laughed, others made teasing noise and basically urged the mayor to dish some more!

“And he did. I do hope none of them were journalists because if they were, shame on them.

“When you see or hear anyone say something wrong, you do not encourage it, you do the opposite.

“Or in that particular instance at least, they should have kept quiet and in their silence gave the message that what the mayor did was wrong.

“Some jokes are funny and should be laughed at... but disrespecting women is definitely not one of them.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
DUTERTE WHISTLES AND SINGS FOR MARIZ. Sa video na na-upload sa YouTube, kitang-kita ang pagsipol at pagkanta ni President Duterte nang si Mariz na ang nagtanong sa kanya sa presscon noong May 31.
Narito ang bahagi ng video.

“I TRIED TO UNDERSTAND HIM.” Sa panayam naman kay Mariz sa State of the Nation ng GMA News TV Channel 11, sinabi niyang nakaramdam siya ng awkwardness dahil sa naging aksiyon ni President-elect Duterte.

Gayunpaman, “I insisted that he answer my question.”

Ipinagpasalamat naman niya ang pagtatanggol sa kanya ng asawa.

Mensahe niya kay Raffy sa Facebook, “Thank you so much, mahal.

“Admittedly, I was surprised with Pres. Duterte's response to my question.

“However, I tried to understand him based on what I know about him, kept my composure, and insisted on my answer, which I got.

“Thank u for this.”

Kahapon lamang, nabatikos din nang husto si Duterte dahil sa naging pahayag niya tungkol sa media killings sa bansa, partikular ang isang reporter na binaril sa Manila noong nakaraang linggo.

“Just because you're a journalist you are not exempted from assassination if you're a son of a bitch.

“Most of those killed, to be frank, have done something. You won't be killed if you don't do anything wrong.

Ginamit niyang halimbawa ang pinaslang na si Jun Pala noong 2003. Kilala ang nasabing journalist bilang critic ni Duterte.

Aniya pa, “The example here is Pala. I do not want to diminish his memory but he is a rotten son of a bitch. He deserved it.

Read: President-elect Rodrigo Duterte says murdered journalists are corrupt, biased

Umalma sa naging pahayag niya ang iba't ibang ng samahan ng mga mamamahayag sa bansa.

Read: Press groups lambast President-elect Rodrigo Duterte statement on media killings


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN