Carla Abellana, Tom Rodriguez travel together in Europe

Rumored couple Carla Abellana and Tom Rodriguez spend time together via a trip in Italy; together with them is Carla's family.


Magkasamang namasyal sa Europe ang napapabalitang magkasintahang sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.

Kasama ng dalawang Kapuso stars ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Erica Abellana-Espiritu at ang kanilang ina, ang dating aktres na si Rea Reyes.

Kasama rin sa trip ang asawa ni Erica na si Red Espiritu.

Paparazzi shot of @akosimangtomas and @carlaangeline????????

A photo posted by Erica Abellana-Espiritu??? (@erica_a_espiritu) on

Sina Carla at Erika ay mga anak ni Rea sa aktor na si Rey “PJ” Abellana.

Nag-share sina Rea at Erica sa Instagram ng mga larawan mula sa kanilang trip.

Ilan sa mga lugar na pinuntahan ng grupo sa Italy ay ang Fontana di Trevi, Colloseum, Gelateria la Paloma, at Paciotti Salumeria.

Nag-post din ng ilang larawan ang ina ni Carla na magkakapareha sina Tom at Carla at sina Erika at Red, na tila double date.

At Fontana di Trevi. It's a lot nicer at night! @erica_a_espiritu @redsetgo @carlaangeline @akosimangtomas

A photo posted by Rea Grytz Reyes (@reagreyes) on

Guys? What did you think of the Colloseum?? ???

A photo posted by Rea Grytz Reyes (@reagreyes) on

Sa comments section ng kanilang posts, maraming fans ng TomCar ang natuwa sa update ng kapatid at ina ni Carla.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN