Mark Neumann and Akihiro Blanco happy for new Kapamilya Vin Abrenica

Itinuturing pa rin daw nina Mark Neumann at Akihiro Blanco na kapatid ang dati nilang kasamahan sa TV5 na si Vin Abrenica kahit na lumipat na ito sa ABS-CBN. Sabi ni Mark, "You know, kahit na ibang network na siya, he's still our brother. Even though we part ways, we're still friends."


Masaya ang TV5 Talent Center artists na sina Mark Neumann at Akihiro Blanco para sa kanilang kaibigang si Vin Abrenica kahit hindi na nila ito kasama sa Kapatid network.

Lumipat na kasi sa ABS-CBN si Vin.

Ang tatlo ay produkto ng Artista Academy sa TV5, kung saan si Vin ang nanalo at itinanghal na Best Actor, habang runners-up naman sina Akihiro at Mark.

Sabi nga ni Mark, “We’re happy for him kasi siyempre when doors are open, parang you take them, di ba, you take that opportunity.”

Bagama’t nasa ibang network na si Vin, hindi naman daw ibig sabihin nitong matatapos na rin ang pagkakaibigan nila.

Sa katunayan, sinorpresa raw nina Mark, Akihiro, at iba pa nilang kasama sa Artista Academy si Vin para sa birthday celebration nito noong May 28. Pero ang actual birthday ni Vin ay noong May 27.

Pahayag ni Mark, “We went surprising him a few days ago on his birthday.

“There was a surprise party for him, so we took our time and we went surprising him last Saturday.

“So, we told him masaya kami para sa kanya.

“And, you know, kahit na ibang network na siya, he’s still our brother.

“Even though we part ways, we’re still friends.”

Dagdag pa ni Akihiro, “Siyempre hindi mawawala ang pagkakaibigan namin kahit lumipat na siya ng istasyon.

“Kasi trabaho iyon, e, at kung iyon ang pinili niya, happy ako para sa kanya.

“Nandito lang kami lagi para sa kanya kung kailangan niya kami.

“And for sure kung kailangan din namin siya, nandiyan din siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Mark at Akihiro sa opisina ng TV5 Talent Center sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City, noong May 31.

STAYING WITH TV5. Samantala, wala naman sa isip nina Mark at Akihiro na lumipat ng istasyon dahil binibigyan naman daw sila ng mga proyekto ng TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho rin silang may existing contract sa Kapatid network hanggang sa 2017.

Katatapos lang ng teleseryeng Tasya Fantasya, na pinagbidahan nina Mark at Shy Carlos.

Pero muling magsasama ang dalawa sa TV movie na Wattpad Presents He’s A Kidnapper, na mapapanood sa Sabado (June 4), 9 P.M., sa TV5.

Natutuwa rin si Mark dahil hindi lang si Shy ang naka-reunion niya sa naturang TV movie, kundi pati ang isa pa niyang naging ka-love team na si Monica Cuenco, na nakasama niya sa Sari Sari Channel telemovie na My Only Love.

Napapanood din si Mark sa comedy and variety show ng TV5 na Happinas Happy Hour, na umeere tuwing Biyernes pagkatapos ng PBA.

Si Akihiro naman ay katatapos lang mapanood sa Wattpad Presents The Other Side kasama si Meg Imperial.

Nakagawa rin siya ng telemovie sa Sari Sari Channel, ang Frenemies In Love, kung saan naging kapareha niya si Donnalyn Bartolome.

Hindi pa makumpirma ni Akihiro, pero may pinaplano raw na isang show ang TV5 para sa kanila ng mga kasama niya sa grupong YOLOL with Andrew Muhlach, VJ Marquez, Jason Salvador, Owy Posadas, at Jack Reid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN