Garrie Concepcion surprised by Michael Pangilinan's admission about their relationship

Garrie Concepcion on boyfriend Michael Pangilinan: "Yung one thing na na-convince ako, niligawan niya po kasi talaga ang family ko, lalo na ang mom ko. Napaka-close ko po talaga kay Mommy. The fact na nagkakasundo sila, okay na po yun."


Si Garrie Concepcion ang isa sa sumuporta sa premiere night ng pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako na ginanap sa SM Megamall noong Martes, May 31.

Isa sa mga bida ng pelikula ang boyfriend ni Garrie na si Michael Pangilinan.

Ayon sa anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna, hindi naman daw niya madi-deny ang relasyon nila ni Michael dahil inamin na ito ng singer sa Tonight with Boy Abunda noong Lunes, May 30.

Pero wala raw talaga siyang ideya na aamin si Michael kay Boy Abunda na mag-on na silang dalawa.

Saad ni Garrie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Hindi ko po talaga alam na magsasalita siya.

“Hindi niya po talaga sinabi sa akin.

“Even after he was interviewed, sabi lang niya sa akin, ‘Manood ka, nakakatuwa yung interview.’

“Ako naman, sige, sa bahay lang, nood naman ako.

“Ayun, nagulat na lang po ako.

“Madi-deny ko pa po ba?”

PROUD BOYFRIEND. Natutuwa naman daw ang 27-anyos na dalaga dahil nakikita niyang proud si Michael sa kanilang relasyon.

“Nakakataba po ng puso na to know that someone is proud to be with you. It was a good surprise naman po,” sabi niya.

Pakiusap lang ni Michael, kung puwede ay pribado na ang kanilang relasyon.

Tama na raw na inamin niya sa publiko, pero ang buong detalye ng kanilang relasyon ay para na lang daw sa kanila.

Sang-ayon naman dito si Garrie, kaya hindi niya sinabi kung kailan pa naging sila.

“Bago pa lang po talaga, e,” sabi lang nito.

Malambing daw na boyfriend si Michael at yun daw ang isa sa nagustuhan ni Garrie.

Matagal-tagal din daw ang panliligaw ni Michael sa kanya, pero sinagot din niya ito dahil niligawan din daw ng singer ang pamilya niya.

“Yung one thing na na-convince ako, niligawan niya po kasi talaga ang family ko, lalo na ang mom ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napaka-close ko po talaga kay Mommy.

“The fact na nagkakasundo sila, okay na po yun.”

Alam na rin daw ng ama niyang si Gabby Concepcion ang tungkol sa kanila ni Michael, at gusto na nga raw nitong makilala nang personal ang binata.

Isa rin daw sa una niyang nasabihan ay ang kanyang half-sister na si KC Concepcion, pero hindi pa raw niya naipapakilala si Michael dito.

“Kay Ate ko po unang sinabi, siyempre nagkakakuwentuhan kami ni Ate.

“Sabi niya, just enjoy, yun lang naman din po ang advice niya, e.”

NEW ALBUM. Isa sa pinaghahandaan ng magkasintahan ay ang launch ng bagong album ni Garrie sa iTunes at Spotify.

Sa June 10 daw ang launch.

May isang kanta na ang title ay “Umaasa” na ginawa raw nila ni Michael.

“Ang nangyari po kasi dun, nagdya-jamming lang kami sa bahay.

“Tumutugtog yung kaibigan ng brother ko, tapos nag-sing along siya [Michael].

“Ginawan niya ng lyrics, dinugtungan ko lang, hanggang naging buong kanta siya,” kuwento ni Garrie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN