John Lloyd Cruz wants to win Gawad Urian for his mom's sake

John Lloyd looks to the future: "Ang importante… paano ko pinaplano ngayon yung mga gusto kong ma-achieve sa mga darating na panahon. So, in the end and you want to look back, nagawa mo ang lahat ng pinaniniwalaan mo."


Dalawang Best Actor nominations ang nakuha ni John Lloyd Cruz sa 2016 Gawad Urian para sa pagganap niya sa mga pelikulang Honor Thy Father at A Second Chance.
 
Sa pagkakataong ito, inamin ng Kapamilya actor na gusto niyang manalo.
 
“To be perfectly honest, this particular award, this particular nomination, gusto kong manalo.

“For the first time, not to validate my performance, gusto ko lang manalo… it’s a little bit sentimental. 

“I want to win because of my mother,” sabi ni John Lloyd sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal)
 
Iba raw ang nakita niyang impact sa nanay niya nang mapanood nito ang pelikulang Honor Thy Father.
 
Sabi ni John Lloyd, “When she saw Honor Thy Father, it was as if it was the first time I saw her really got affected.

“All the while, I thought parang wala siyang pakialam sa ginagawa ko.
 
“Especially yung Honor... hindi niya alam, ‘Ano ba ‘yan, ano ba ‘yang indie?’ 

“Alam niya lang siyempre yung mas commercial na pelikulang nagagawa ko sa Star Cinema. 

“For that reason alone, I really wanna win.”
 
Bakit nasabi ni John Lloyd na parang wala lang sa kanyang ina ang mga ginagawa niya dati?
 
Paliwanag ng award-winning actor, “E, siyempre, it was my first venture sa indie, so sobra siyang clueless.

“When I was in Baguio, hindi naman niya… nakakamusta niya lang ako, ‘Okey ka lang ba riyan?’

“Pero hindi naman siya nagtanong what I was doing. So, yun lang.”

Patuloy ni John Lloyd, “Nagkaroon kami ng premiere sa Cinema One as opening film. 

“Noong napanood niya, tinatawag ako ng kaibigan ko na, ‘Uy, kailangan mong lapitan ang mommy mo. I think she was really affected.’
 
“Then when I saw her, ganun na lang yung iyak niya. 

“After that night, siyempre ang daming nangyari, I couldn’t be with her right away.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nung nag-text-text kaming dalawa, nalaman ko na sobra niyang na-appreciate ang ginawa ko.
 
“For that reason alone, when I heard that nomination, yun ang unang-una kong naisip.

“Never kong hiniling na manalo, never kong hinangad na manalo. 

“Although, para sa akin, yung ma-recognize sa nomination, panalo na yun.
 
“Pero yun nga, for my mom, gusto kong manalo.”

INTO THE FUTURE. Nakadagdag-inspirasyon ba sa kanya ang nominasyon niya sa Gawad Urian?
 
Sagot ni John Lloyd, “I’m not sure kung nakakadagdag siya ng passion towards my craft.

“Pero it feels good to be recognized all the time for your hard work.

“And the time, yun ang pinakaano dun, e, yung time away from your family, yung time from your personal time.

“Lahat ng efforts mo kapag nare-recognize, especially ng mga institusyon like Gawad Urian.

“Hindi ko alam kung nakakadagdag but, for sure, it feels good to be recognized.
 
“Pero bata pa lang kasi ako, hindi na basis ng passion ko at work ko yung award, e.

“Kumbaga, napaka-subjective kasi ng award.

“Puwedeng sa isang entity na ‘to, they measure you like this, like that; puwedeng sa isa, hindi.
 
“All you can be and all you can do is to respect yung recognition.”
 
WHAT'S IMPORTANT IS NOW. Ayon kay John Lloyd, ang importante naman daw ay ang “ngayon.”
 
“Ang importante, yung ngayon, Hindi mo alam kung bukas, wala na ang lahat ng ito.

“That’s why ang importante, yung ngayon.”

Paano niya ba hina-handle ang bawat araw sa buhay niya bilang isang aktor at bilang isang tao?

“Well, you cannot be totally literal about it. 

“Siyempre, we have commitments, pumipirma tayo ng kontrata.

“Expected na maide-deliver natin kung what’s expected on us.
 
“We have plans, we have goals… hindi naman literally all that matters is now.

“Ang importante… paano ko pinaplano ngayon yung mga gusto kong ma-achieve sa mga darating na panahon.
 
“Like us, an actor, importante sa akin ang body of work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially three, four years ago, mas naging importante sa akin kung ano ang iiwan mong body of work.

“At the end, kapag matanda ka na at babalikan mo lahat ng naging trabaho mo, I’d like to look at my body of work with pride.
 
“Yun ang sinasabi ko na kung ano ang ginagawa mo ngayon, makakaapekto ‘yan in the future.

“Kumbaga, para kang nag-i-invest. Nag-i-invest ka ng time ngayon, nag-i-invest ka sa mga choices mo.

“Nag-i-invest ka sa mga pinapanindigan mo. 

“So, in the end, and you want to look back, nagawa mo ang lahat ng pinaniniwalaan mo.”

Sa kabila ng mga parangal na natatanggap niya, kabilang na ang Star Asia award sa 15th New York Asian Film Festival (NYAFF), naniniwala ang Kapamilya actor na marami pa siyang kailangang gawin at punan pagdating sa craft niya.

Saad niya, “I don’t think nawawala yun. Nag-e-evolve lang.
 
“Kasi kapag wala ka nang gustong punan, parang wala na rin sense.

“Kung wala nang mystery, kung alam mo na ang gusto mo or alam mo na ang mangyayari, ano pa ang point?
 
“Kaya sobra pa rin akong interesado run sa unknown, kung ano pa yung di ko alam.

“Hindi mo alam kung ano ang kalalabasan, dun ako fascinated.

“It keeps me interested sa trabaho ko, nare-renew ang energy kapag may bagong trabaho.

“Ano kaya ‘yan, paano kaya ‘yan? Sana hindi mawala, pero ayun.

“I think kung kaya mong protektahan ang choices, puwede mo siyang maprotektahan din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN