Mariel Rodriguez-Padilla keeps her cool despite negative comments on her IG post

Sabi ni Mariel Rodriguez-Padilla, masuwerte yung mga nagmamarunong na nagkomento sa kanyang post dahil maganda ang mood niya. Kung nataon daw na may topak siya, sabi niya, "Pagpapatulan ko."


Hindi napigilan ni Mariel Rodriguez-Padilla ang sarili na sagutin ilang nagkomento sa kanyang Instagram post kahapon, June 2.

Sa naturang Instagram post ay nakaupo si Mariel sa isang business class na bahagi ng isang eroplano.

Mukhang susundan ni Mariel ang asawang si Robin Padilla na kasalukuyang nasa Dubai.

Caption ng It’s Showtime host sa kanyang IG post: “Hi Baby! We are going on a trip!!!! Dad is going to bring you to Mommy's favorite city. You sit tight okay? You just relax and enjoy all the food mom will give you. We love you very much!”

Noong una, puro mga ‘take care’ messages ang natanggap ni Mariel sa comment section ng naturang post.

May iba namang nagpaabot ang pag-aalala dahil sa kanyang maselang kalagayan.

Ito na kasi ang kanyang pangatlong pagbubuntis pagkatapos makunan ng dalawang beses.

Pero tila hindi naman nagustuhan ni Mariel ang ibang comments dito.

Kahit daw kasi may mga komento ng pag-aalala, yung iba ay napagsabihan pa siyang hindi na nadala.

Imbes daw kasi na mag-total bedrest siya ay nakuha pa niyang bumiyahe sakay ng isang eroplano, na baka raw makatagtag sa kanyang sinapupunan.

Sagot ni Mariel, mabuti na lang at maganda ang mood niya kaya ayaw niyang patulan ang mga ito.

Lagpas tatlong buwan na ang ipinagbubuntis ni Mariel.

Read: Mariel Rodriguez is pregnant again


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN