Regine Velasquez dismisses rumor Araneta Coliseum has banned her for not supporting Mar Roxas

Regine Velasquez admits she's now a reformed shopper. She says, "Nagbago na talaga ako, the only time na nag-shopping ako ay dahil hinanap ko yung toy na gusto ni Nate."

 


Kumalat kamakailan ang balitang banned na raw si Regine Velasquez na mag-perform sa Smart-Araneta Coliseum dahil hindi niya piniling suportahan si Mar Roxas noong nakaraang presidential election.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa set ng Poor Señorita noong June 2, sa Timog Avenue, Quezon City, natawa si Regine sa balitang banned siya sa Big Dome na pag-aari ng pamilya ni Mar.

Saad ng Asia’s Songbird, “Sa palagay ko naman ay hindi nila gagawin yun sa akin.
    
“Unang-una, noong tinanong ako ng media kung sino ang susuportahan ko, naging honest lang ako.”

Ayon kay Regine, si Senator Grace Poe ang kanyang sinuportahan dahil ito rin ang sinuportahan ng kanyang mister na si Ogie Alcasid.

“Si Grace Poe ang susuportahan ko because siya ang sinusuportahan ng mister ko.
    
“I see nothing wrong sa sinabi kong iyon.
    
“In the first place, wala naman akong sinasabing masama against Mar Roxas, hindi ko naman siya siniraan.
    
“It’s just that kung sino ang pinaniniwalaan ng mister ko, siyempre doon din ako; and it happened to be Grace Poe.”

Watch: Regine Velasquez-Alcasid says no to Mar Roxas

SUCCESSFUL CONCERT. Masaya ring ibinahgi ni Regine na naging very successful ang Timeless concert series niya sa U.S. noong nakaraang buwan.

Marami nga raw siyang napasayang mga kababayan natin doon.
    
Sabi niya, “Matagal din kasi akong hindi nakapag-concert sa U.S.
    
“Nakakatuwa naman ang mga kababayan natin doon kasi after all these years, nandoon pa rin ang suporta nila sa ating mga local artists.
    
“Nakapag-promote pa ako doon ng Poor Señorita.

“In fairness, napapanood nila yung show via GMA Pinoy TV.
    
“Kaya ang tawag nila sa akin ay ‘Rita’, ‘Ma’am Rita’, ‘Poor Señorita’.

“Hindi na yung ‘Regine… Wooo!’” natatawang sabi ni Regine patukoy sa pinausong tawag sa kanya ni Paolo Ballesteros sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.   

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MISSING NATE. Agad nga raw umuwi si Regine pagkatapos ng huling show niya sa U.S. dahil miss na miss na niya ang anak na si Nate.
    
Kuwento niya, “Usually, pagkatapos ng concert ay magsa-shopping pa ako, pero hindi ko na ginawa yun.

“Nagbago na talaga ako, the only time na nag-shopping ako ay dahil hinanap ko yung toy na gusto ni Nate.
    
“Kasi bago ako umalis, kinulit-kulit ako ni Nate sa laruan na yun!”
    
Pagkauwi ni Regine ay nalaman niyang matamlay raw parati si Nate dahil na-miss siya nito.
    
“Sabi nga ni Ogie, lungkot na lungkot daw si Nate noong wala ako
    
“Naawa naman ako sa anak ko, hindi ko naman kasi siya puwedeng isama.

“Alam mo naman kapag concert tour, palipat-lipat kayo tsaka mabilisan ang kilos; mapapagod lang yung bata.
    
“Siguro next time kapag may mahabang bakasyon kami ni Ogie, mag-U.S. vacation kami kasama si Nate.”
    
Sabi pa ni Regine, “Noong una kasi naming dinala si Nate sa Amerika, two years old lang siya noon, alagain pa siya talaga.
    
“Hirap na hirap ako kasi wala kaming dalang yaya, kami ni Ogie lang.

“Kaya pasalit-salit kami sa pag-alaga kay Nate.
    
“Ngayon, medyo malaki na si Nate, mas magiging madali na kapag nag-out of the country kaming tatlo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN