Sandro Marcos to dad Bongbong: "Always by your side no matter what!"

Sandro Marcos posts a message of support for dad Sen. Bongbong Marcos


Isang simpleng mensahe sa Instagram ang ipinost ni Sandro Marcos para sa kanyang ama na si Sen. Bongbong Marcos ngayong Biyernes, June 3.

“Always by your side no matter what!” caption ng binata sa larawan nilang mag-ama.

Ginamit din ni Sandro ang hashtag na "#FamilyFIRST" sa nasabing caption.

Always by your side no matter what! @bongbongmarcos #FamilyFIRST

A photo posted by Sandro Marcos (@sandromarcos7) on

Kumandidato bilang bise presidente si Bongbong nitong nakaraang eleksyon, pero natalo siya kay Camarines Sur Third District Rep. Leni Robredo ng Liberal Party.

Umuwi ng Pilipinas si Sandro noong campaign season upang tulungan ang kanyang ama sa pangangampanya, pero muli itong tumulak papuntang London pagkatapos ng eleksyon para ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral don.

Naging laman ng balita si Sandro pagkatapos ng eleksyon dahil sa alegasyon nitong nagkaroon ng dayaan sa bilangan ng boto upang pumabor kay Robredo.

Agad namang humingi ng paumanhin si Sandro at sinabing nadala lang siya ng kanyang emosyon.

Read: Bongbong Marcos's son apologizes for #DayaangMatuwid tweet

Samantala, nauna nang naiulat na desidido pa rin ang kampo ni Bongbong na ipagpatuloy ang kanilang laban upang patunayan ang diumano’y pagkakaroon ng undervotes o missing votes na bumibilang ng tatlong milyon.

Sinabi rin ng abugado ng senador na si Atty. George Garcia na titingnan ng kanilang kampo ang iba pang legal options kaugnay ng kanilang ipinaglalaban.

Sa final tally of votes ay nanalo si Leni laban kay Marcos na may lampas 260,000 votes lamang na kalamangan.

Read: Sen. Bongbong Marcos camp bent on proving issue of missing votes


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN