Liza Diño to media who can't handle President-elect Duterte: "Leave him alone and let the man do his job."

Liza Diño: "Aminin natin---mula sa Media hanggang sa ordinaryong tao, whether Anti or Pro, basta tungkol kay Duterte, may komento tayo."


Nagbigay ng payo ang aktres na si Liza Diño sa mga mamamahayag na naka-assign para i-cover ang bagong halal na pangulong si Rodrigo Duterte.

“Simple lang. Kung hindi kaya ang tabas ng dila nya... LEAVE HIM ALONE AND JUST LET THE MAN DO HIS JOB,” sabi ng kilalang tagasuporta ni Duterte patungkol sa isyung pagbabanta ng ilang miyembro ng media na i-boycott ang incoming president.

Matatandaang sa press conference na ginanap noong Huwebes ng gabi, June 2, nagbigay ng reaksiyon si Duterte sa balitang balak siyang i-boycott ng media dahil sa naging pahayag at gawi niya sa mga nakaraang press conference.

Aniya, "Mag-boycott na kayo [journalists], as a matter of fact, make this trip your last here in Davao City.

“You know, Manila guys, I hate giving interviews.

“I would be content with a camera taking a picture with me.

“Do not cover me. We have our own, Malacañang Press.

“I am asking you guys, do not ever come back.

“I said I am ready to lose the presidency now, just do not f**k with me.”

Kaugnay nito, tila pinaalalahan ni Liza ang mga mamamahayag na nakatutok ngayon sa susunod na presidente.

Aniya, “So who needs who? That is the question.

“Reality: He's a doer, not a talker. Because when he talks, there will always be blunders.

“Pero kahit naman alam na madumi ang kanyang bunganga, tinatantanan ba? Hindi.

“Kasi sa bawat buka ng bibig nya, newsworthy para sa lahat.

“Aminin natin---mula sa Media hanggang sa ordinaryong tao, whether Anti or Pro, basta tungkol kay Duterte, may komento tayo.”

"Mag-boycott na kayo (journalists), as a matter of fact, make this trip your last here in Davao City. You know Manila guys, I hate giving interviews. I would be content with a camera taking a picture with me. Do not cover me. We have our own, Malacañang Press. I am asking you guys, do not ever come back. I said I am ready to lose the presidency now, just do not f*** with me." - PRES. DUTERTE So who needs who? That is the question. Reality: He's a doer, not a talker. Because when he talks, there will always be blunders. Pero kahit naman alam na madumi ang kanyang bunganga, tinatantanan ba? Hindi. Kasi sa bawat buka ng bibig nya, newsworthy para sa lahat. Aminin natin---mula sa Media hanggang sa ordinaryong tao, whether Anti or Pro, basta tungkol kay Duterte, may komento tayo. Simple lang. Kung hindi kaya ang tabas ng dila nya... LEAVE HIM ALONE AND JUST LET THE MAN DO HIS JOB.

A photo posted by Liza Diño-Seguerra (@lizadino) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN