Annabelle Rama defends President-elect Rodrigo Duterte over catcalling issue

Annabelle Rama lashes out at one of the reporters covering incoming president Rodrigo Duterte's press conferences: "Hoy bruha, stop using Pres. Digong's name, ang arte-arte mo... Feeling mo maganda ka?Pweeeeeeee... Ano ang big issue sa pag-sipol, hindi naman ikaw ang sinipulan, bawal ba?"


“Dapat matigil na itong kap*tahang issue na ito.”

Ito ang tila galit na pahayag ng talent manager na si Annabelle Rama sa kanyang Twitter posts ngayong Sabado, June 4, tungkol sa isyu ng paninipol ni President-elect Rodrigo Duterte sa GMA News reporter na si Mariz Umali sa isang press conference.

Para kay Annabelle, kilalang strong supporter ni Duterte, walang masama sa ginawa ng incoming president kay Mariz habang nasa press conference sa Davao City noong Martes, May 31.

At kung sa kanya raw mangyari ito, sabi ng kilalang celebrity mom, isang “malanding kindat” ang ibibigay niya sa maninipol sa kanya.

MAD AT A REPORTER. Samantala, sa iba pa niyang Twitter posts, nagpahayag ng galit si Annabelle sa tila isa sa mga reporter na kasamang nagko-cover kay Duterte.

Bagamat hindi niya tinukoy kung sino ang reporter, sinabi niyang dapat daw ay ma-ban na ito sa mga susunod na press conference ni Duterte.

Sa huling bahagi ng kanyang Twitter posts, sinabi ni Annabelle na wala ring masama sa pagmumura.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN