Muhammad Ali, boxing great, dies at 74

"After a 32-year battle with Parkinson's disease, Muhammad Ali has passed away at the age of 74. The three-time World Heavyweight Champion boxer died this evening," says a family spokesperson about Muhammad Ali's death.


Pumanaw na ang tinaguriang 'the greatest boxer of all time' na si Muhammad Ali sa edad na 74.

Si Ali ay namatay nitong Biyernes, June 3 (U.S. time) sa isang ospital sa Phoenix, Arizona, kung saan na-confine siya ng ilang araw dahil sa respiratory complications.

Kinumpirma ang malungkot na balitang ito ng isang family spokesperson sa NBC News.

"After a 32-year battle with Parkinson's disease, Muhammad Ali has passed away at the age of 74. The three-time World Heavyweight Champion boxer died this evening," pahayag ni Bob Gunnell.

Nakaplano na rin daw ang isang funeral service na gaganapin sa hometown ng boxing great sa Louisville, Kentucky.

Si Muhammad Ali ay ipinanganak bilang Cassius Marcellus Clay Jr. noong January 17, 1942 sa isang middle-class family.

Nagsimula ang kanyang boxing career sa murang edad na 12, kung saan napagwagian niya ang ilang Golden Gloves titles.

Noong 1960 Olympics sa Rome, Italy, ay nanalo siya ng gold medal bilang light heavyweight.

Pagkatapos nito ay naging professional boxer siya.

Noong 1964, sa edad na 22, ay sinabi niya ang kanyang pamosong linya na “I Am the Greatest” bago niya talunin si Sonny Liston para sa heavyweight championship.

Pagkatapos ng di malilimutang laban na iyon ay binigla niya ang lahat nang ianunsiyo niyang nagpa-convert na siya sa Islam.

Kasabay nito ang pagtalikod niya ng kanyang "slave name" na Cassius Clay at paggamit ng pangalang Muhammad Ali.

Naging aktibo rin siya sa pakikipaglaban laban sa racism.

Naging kontrobersiyal din ang pagtanggi niyang pumunta sa Vietnam pagkatapos siyang ma-draft para sa military duty.

Dahil sa patuloy niyang pagtanggi na tuparin ang kanyang military duty ay binawi ang heavyweight title ni Ali noong 1967.

Binawi rin ang kanyang boxing license sa lahat ng 50 states ng Amerika.

Hindi siya nakipaglaban sa loob ng mahigit tatlong taon bago in-overturn ng U.S. Supreme Court ang kanyang conviction noong 1971.

Pagkatapos nito ay dalawang beses niyang napanalunan ang heavyweight title, noong 1974 at 1978, at nadepensahan niya ito ng 19 na beses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga nakalaban at tinalo niya sa loob ng boxing ring ay ang kapwa niya boxing legends na sina Jerry Quarry, Joe Frazier, at George Foreman.

Noong 1981 ay nagdesisyon si Ali na mag-retire na sa boxing pagkatapos ng sunud-sunod niyang pagkatalo.

Noong 1982 ay na-diagnose siya na may Parkinson's Disease, na nilabanan niya sa loob ng mahigit tatlong dekada hanggang sa bawian na siya ng buhay.

Naiwanan ni Ali ang kanyang misis na si Lonnie Williams at ang kanilang siyam na anak: Maryum, Rasheda, Jamillah, Hana, Laila, Khaliah, Miya, Muhammad, at Asaad.

Apat na beses nagpakasal si Ali: kay Sonji Roi mula 1964 hanggang 1966; kay Belinda Boyd mula  1967 hanggang 1977; kay Veronica Porsche Ali mula 1977 hanggang 1986; at kay Williams, na pinakasalan niya noong 1986.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN