John Regala to Baron Geisler: "Huwag mo akong gayahin."

John Regala on Baron Geisler: "Magbabago naman 'yan, tamang guidance lang, at huwag nating husgahan agad dahil baka may dinadala 'yan na mabigat sa loob niya. Minsan naman sa buhay natin, nabibigyan tayo ng pagkakataon, ibigay rin natin yung pagkakataon sa ibang tao."


Ang tularan siya ni Baron Geisler sa kanyang advocacy na mag-alaga ng mga water bonsai at ipakilala ito sa mga Pilipino ang mensahe ni John Regala sa kapwa aktor na madalas na ikinukumpara sa kanya noong kabataan niya.

Pero nilinaw ni John na nasasangkot siya noon sa mga gulo dahil siya ang inaaway at ipinagtatanggol lamang niya ang sarili.

“Ako naman kasi noong araw, makakaaway mo lang ako kapag ikaw ang may kasalanan.

“Hindi ako naghahanap ng gulo pero tumatanggap ako ng basag-ulo. Hindi ako umuurong. 

“Hindi ako lasenggero, may sariling mundo ako, sa bahay lang ako.

“Napagdaanan din natin ang mga bisyong ganyan.

“Pero sabi ko nga, ang bisyo, pinagdadaanan lang ‘yan, hindi tinatambayan.

“Kumbaga, kung nakikita mo na nakakasama na sa ‘yo, nakakasama na sa pamilya mo, nakakasama na sa pagkatao mo, iwan mo na ‘yan bago mahuli ang lahat.”

ADVICE TO BARON. Nagbigay rin ng payo si John para sa kasamahan sa industriya na si Baron.

Pahayag ng beteranong aktor, “Bilang anak, Baron, huwag mong masamain ang aking payo, anak.

“Laging nasa sa ‘yo ang tsansa para magbago.

“Patunayan mo sa sarili mo na mali sila sa iniisip nila.

“Malayo pa ang mararating mo.”

Ayaw rin daw ni John na mangyari kay Baron ang mga nangyari sa kanya noon.

“Huwag naman, anak, huwag mong pabigatin ang aking pasan-pasan.

“Huwag mong kunin yung masama kong itinatapon.

“Yung mabuti lang ang kunin mo at yun ang itanim mo sa puso.

“Huwag yung masasama. Huwag mo akong gayahin.

“Pareho rin kaming may dinadala siguro sa buhay.”

Sabi pa ni John tungkol kay Baron, “Nakatrabaho ko si Baron, marespeto naman siya bilang aktor.

“Yun nga lang, kapag nakakainom, dun lang nagkakaroon ng konting pagbabago sa kanya at naiintindihan ko naman ‘yon bilang aktor.

“Magaling naman tayo sa pang-unawa.”

Kailangan lang daw ng pang-unawa ni Baron.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni John, “Si Baron kasi, hindi lang natin maintindihan yung bata.

“Pero kung ating palalawakin yung ating pang-unawa, siguro naman, may chance tayo na dapat ibigay sa bata.

“Magbabago naman ‘yan, tamang guidance lang, at huwag nating husgahan agad dahil baka may dinadala ‘yan na mabigat sa loob niya.

“Minsan naman sa buhay natin, nabibigyan tayo ng pagkakataon, ibigay rin natin yung pagkakataon sa ibang tao.”

WATER BONSAI. Si John ang presidente at CEO ng Project Green Evolution Inc., ang kumpanyang gumagawa at distributor ng Water Bonsai Organic Root Grower, ang miracle powder na ginagamit sa pag-aalaga ng mga indoor plant.

Isa itong libangan na naging advocacy ni John dahil environmentalist na siya ngayon.

Kaya hinihikayat niya si Baron na mag-alaga rin ng mga water bonsai.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN