Vice Ganda unable to perform at Duterte thanksgiving bash

Thanksgiving party para kay President-elect Rodrigo Duterte dinaluhan ng ilang Kapamilya stars na sina Vice Ganda,  Sarah Lahbati, Arron Villafor, at Bayani Agbayani.


Ilang celebrities ang nakilahok sa thanksgiving bash na inihanda ng Davaeños para sa outgoing Davao City mayor at magiging pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte, kahapon, June 4, Sabado.

Ang “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party” na ginanap sa Crocodile Park Concert Grounds ay dinaluhan ng tinatayang 500,000 katao.

Hosts sa nasabing kasiyahan ang kilalang Duterte supporters na sina Arnell Ignacio, Bayani Agbayani, at Kat de Castro.

Kabilang naman sa nag-perform sina Sarah Lahbati, Arron Villafor, Anton Diva, Ivy Violan, Beverly Salviejo, Carlos Agassi, Jimmy Bondoc, Gladys Guevarra, Paolo Santos, at Andrew E.

Nagtanghal din ang iba't ibang talents na nagmula pa sa Davao, Visayas, at Mindanao.

Nagbigay rin ng kanyang speech si President-elect Rodrigo Duterte kung saan sinabi niya ang ilan sa kanyang mga plano kapag opsiyal na siyang nanungkulan bilang pangulo.

Dapat sana ay hanggang 1 A.M. ng madaling-araw ng Linggo, June 5, ang kasiyahan ngunit itinigil na ito dahil nagkaroon ng power outage dahil na rin sa lakas ng ulan.

Kabilang sa hindi nakapag-perform ay ang Kapamilya comedian-TV host na si Vice Ganda.

Ngunit sumampa pa rin ng stage si Vice upang batiin ang mga taong nagpunta sa party.

With the presidential son Baste. #DU31

A photo posted by Kat De Castro (@katdecastro) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN