Snooky Serna admits she's not friends with ex-hubby Ricardo Cepeda

Snooky Serna on ex-husband Ricardo Cepeda: "I don't want to sound bitter or anything, pero after na maghiwalay kami ni Richard, hindi na kami nagkausap talaga bilang magkaibigan. Hindi ko rin alam kung bakit nagkagano'n. I really don't know kung ano ang naging problema with him."


Inamin ni Snooky Serna na hindi sila magkaibigan ng kanyang ex-husband na si Ricardo Cepeda.

Kung ang ibang mag-asawa ay nananatiling magkaibigan kahit na nagkahiwalay sila, iba raw ang sitwasyon nila ni Ricardo.

Ayon sa aktres, “I don’t want to sound bitter or anything, pero after na maghiwalay kami ni Richard, hindi na kami nagkausap talaga bilang magkaibigan.

“Hindi ko rin alam kung bakit nagkaganun.

“Ako naman, wala akong problema if we remain friends.

“May dalawa kaming anak at matagal ang pinagsamahan namin.

“I really don’t know kung ano ang naging problema with him.

“Siguro siya na lang ang tanungin ninyo about it.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Snooky sa taping ng Poor Señorita last week.

THANKFUL TO MARINA. Mas nagkaroon pa raw ng communication si Snooky sa kasalukuyang girlfriend ni Ricardo na si Marina Benipayo.

Minsan daw ay nagpadala ng private message si Snooky kay Marina via Facebook. Hindi naman daw umaasa si Snooky na sasagutin siya, pero nag-reply naman daw si Marina sa kanya.

“I only thanked Marina for being so good to my daughters.

“Sina Sam and Sachi, they say good things about her kapag nagkakasama sila.

“Kinukuwento naman nila sa akin si Marina.

“So I wanted to thank her personally, pero baka it would look awkward. Kaya nagpadala na lang ako ng message.

“Natuwa naman ako when she replied back. At ang sweet pa ng message niya sa akin.

“Hopefully, that would be the start of something good between me and Marina,” pahayag niya.

KONTRABIDA ROLE. Marami naman ang pumupuri kay Snooky dahil sa husay ng kanyang pagganap bilang ang kontrabidang si Deborah sa Poor Señorita.

Reaksiyon niya dito, “Kina-career ko na itong maging kontrabida talaga.

“Let’s face it, tapos na ang panahon na kami ang bida.

“It’s time to let other people take the spotlight.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We had our time at nagpapasalamat na lang ako na kinukuha pa rin nila ako for projects like this.

“Ako naman, hindi ako naging choosy sa mga ibinibigay na trabaho sa akin.

“Basta trabaho, sige gawin natin. Para na rin sa dahilan na meron akong ginagawa at pinagkakakitaan natin.

“Since kina-career ko na nga, gusto ko maging parang si Ms. Celia Rodriguez—kontrabida na may class.”

Sa kabilang banda, wala namang maipintas si Snooky sa bida ng kanilang teleserye na si Regine Velasquez-Alcasid dahil napakabait na tao raw nito.

Saad niya, “Hindi dahil sa katrabaho si Regine, pero sa totoo lang napakabait na tao niya.

“Alam nating lahat na she’s Regine Velasquez, pero wala siyang diva attitude.

“Very down-to-earth na tao. Kaya lahat kami rito, excited na makaeksena siya parati.”

REGAL BABIES REUNION? Open naman si Snooky sa possibility na makatrabaho niya ulit ang kanyang kasabayan sa Regal Films na sina Maricel Soriano at Dina Bonnevie.

Silang tatlo ang original na Underage Girls at mga kauna-unahang Regal Babies ni Mother Lily Monteverde.

Sabi ni Snooky, “I miss working with both Dina and Marya.

“Lalo na si Marya because during our Regal days, ako yung pinakabunso. Si Marya ang laging nagtatanggol sa akin noon.

“Kaya I would be happy kung sakaling magkaroon kami ng project together. I wouldn’t mind being kontrabida to Marya or to Dina.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN