Leo Martinez optimistic about the incoming Duterte administration

Leo Martinez says the change should start from the Filipinos themselves, not the administration. He adds, "Tayo naman ang pumili ng mga presidente, pagkatapos na piliin natin, sisiraan natin. Tayo din ang nangungunang manira, e, di tayo ang may problema."


Positibo ang pananaw ni Leo Martinez sa papasok na administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte.

Ayon sa director-general ng Film Academy of the Philippines (FAP), dapat magkaisa na ang mga Filipino at suportahan ang susunod na gobyerno.

“Sa palagay ko. Wala naman kaming nakikitang ano na hindi positive.

“Kasi, unang-una, marami namang tumulong na taga-showbiz kay Duterte.

“Ang daming backers ni Duterte sa showbiz.”

Nauna rito, ipinahayag ng beteranong aktor na dapat ay magkaisa na rin ang mga Filipino.

Saad ni Leo, “Well, unang-unang, may character ako, yung Congressman Manhik-Manaog, naibulong po sa akin minsan ni Heneral Luna na ang problema ng Filipino ay hindi Komunismo, hindi militarismo, hindi Amerikanismo… kundi tayo mismo!

“Bakit? Bakit? Tatlumpung taon na pagkatapos ng People Power, limang presidente na ang nakaraan, wala pa ring nangyayari sa atin.

“Tayo naman ang pumili ng mga presidente, pagkatapos na piliin natin, sisiraan natin.

“Tayo din ang nangungunang manira, e, di tayo ang may problema.

“Ang essence ng democracy, pagkatapos ng election ay susuportahan natin lahat ng nanalo.

“Pero hindi pa nag-uumpisa [ang administrasyon ni Duterte)] kanya-kanya na tayo ng batikos sa lahat ng pumasok.

“Mula presidente hanggang sa ano, binabatikos na natin…

“E, papaano tayo uunlad?

“Kaya nga sabi ko, hindi ibang tao, tingnan natin… tayo mismo ang may problema.”

Dagdag pa niya, “Isa pa, in five years’ time, hindi natin nare-realize, we will be 500 years old.

“1521 nang na-discover ang Pilipinas, 2021 na ay wala pang nangyayari sa atin.

“Kanya mag-ayos-ayos na tayo at nakakahiya na sa mga bata.

“I have high hopes, iyon lang ang masasabi ko.

“Tama na, tapos na ang eleksiyon, magka-isa na tayo.”

CHANGES IN SHOWBIZ. Anu-ano naman ang gusto niyang makitang gawin ni Duterte para sa showbiz kung nasa puwesto na ito?

Saad ni Leo, “Ayun, ginagawa na namin, mayroon nang advisory na yung DOLE.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sinasabi na eight to twelve hours na lang ang trabaho, very positive yun.

“Kasi yun ang inaangal natin noon, e, sobra ang trabaho ng showbiz.

“Pinakaano tayo, pinaka-glamorous, pero pinaka-overwork naman.

“So ngayon, at least, maayos na iyon sa palagay ko.

“Yung sa amusement tax naman, hindi ba nababaan na iyan from 30 to 10 percent? Kaya okay na iyon, okay na iyon.

“Ang ano lang namin, yung amusement tax, puwede na ang 10 percent.

“Mataas pa rin yun, pero okay na yun, we can live with that.

“Ang producer naman yung maaapektuhan nun, e.

“Ang sa worker, dapat na pagandahin lang yung working conditions.

“Yun lang naman ang hinihingi ng mga workers.

“They can make the money, pero huwag naman yung masyadong anuhin yung mga workers.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Enteretainment Portal) si Leo sa story conference ng horror movie na The Smell of Fear ng BG Productions, na ginanap sa Function Room ng Lee Gardens Condominium, noong June 4.

Isa si Direk Leo sa tampok sa naturang pelikula na pamamahalaan ng Italian director na si Paolo Bertola at tatampukan nina Megan Young, Arron Villaflor, at Ruben Maria Soriquez.

ARE WE READY FOR CHANGE? Sa palagay ni Leo, handa na ba ang mga Pinoy sa kakaibang istilo ng pamamahala ni Duterte?

Sagot niya, “Palagay ko… e, ibinoto siya, e.

“Mas mataas pa nga kay Erap [Joseph Estrada] yung boto niya, e.

“I think nakaabot siya ng 40 percent and napakaganda nun.

“E, noong kay [Fidel] Ramos is 28 percent. Si Estrada was about 36 or 37 percent, I think.

“Of course, yung iba, mas mababa pa ang percentage.

“So, ang ano, we have high hopes.

“At saka wala naman siyang pinagkakautangan ng ano, wala namang kailangan niyang suklian o amuin… or ano.

“Kasi, ibinoto naman siya… wala naman siyang partido…”

Si Duterte ba ang ibinoto niyang presidente noong nakaraang eleksyon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, wala akong ibinotong presidente,” diretsahang sagot ni Leo.

Dagdag pa niya, “Sa akin, walang umabot doon sa standard ko.”

JACLYN’S CANNES WIN. Inusisa rin ng PEP kung ano ang reaksiyon ni Leo sa pagkapanalo ni Jaclyn Jose sa Cannes Film Festival bilang Best Actress?

Pahayag niya, “A, napakaganda nun para sa ating industriya.

“At saka itong pelikulang ito, ang kailangan nating isipin, hindi na lang ito ang market natin, e.

“South East Asia, dapat iyon ang isipin nating market.

“As an artist, siyempre proud ako sa victory niya.

“Dapat lahat tayo maging proud doon, kasi siya ang unang Filipino na nakapanalo ng Best Actress sa Cannes.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN