Alfred Vargas goes on a pilgrimage to Spain: "Halos isang buwan akong maglalakad."

Rep. Alfred Vargas on incoming President Rodrigo Duterte: "With the mandate given to Digong by the people, talagang wala tayong excuse not to support him. Suportahan natin siyang lahat, kasi nagdesisyon na ang mga tao."


Tumulak patungong Spain si Quezon City Fifth District Rep. Alfred Vargas nung nakaraang Biyernes, June 3, para tuparin ang panata niyang pilgrimage sa Santiago de Compostela.

Kuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis, “Panata ko na siya since nung 2014.

“Nung namatay yung mom ko, naging panata ko na ‘to na mag-pilgrimage palagi sa Santiago de Compostela sa Spain para talagang mag-offer ng prayers and special intentions.

“This time, maglalakad ako with my backpack ng 600 kilometers na parang 25 to 30 kilometers a day.

“So, halos isang buwan akong maglalakad.

“Parang sacrifice na rin ‘to saka inu-offer ko sa Kanya.

“Sacrifice siya, hindi siya bakasyon.

“Pilgrimage siya, sacrifice talaga.”

Balak daw i-document ni Alfred itong lakad niya ngayon at i-post sa YouTube para maibahagi ang mga karanasan niya sa naturang pilgrimage.

“Iba kasi, e. Nakapag-soul searching ka talaga,” sabi pa nito.

CAMPAIGN EXPERIENCES. Sa susunod na buwan pa naman daw magbubukas ang 17th Congress kaya ginamit na ni Alfred ang mga bakanteng araw para ituloy ang kanyang panata.

Pero noong nakaraang eleksyon, marami raw siyang natutunan sa mga naranasan niya habang nag-iikot sa pangangampanya.

Kahit unopposed siyang tumakbo bilang representative ng Fifth District ng Quezon City, nag-ikot pa rin siya sa mga constituents niya.

Bukod pa rito, tumulong siya sa pangangampanya sa kandidatura nina Mar Roxas at Leni Robredo.

Saad ni Alfred, “Unang-una, I’m very happy na nagkaroon tayo ng generally clean and credible elections, di ba?

“Dun pa lang panalo na ang Pilipinas kahit sino pa ang nanalo.

“Second kong na-realize dito, ang social media played the biggest part sa eleksyon na ‘to.

“Napaka-importante kasi dun mo nakikita ang honest opinion ng mga tao, ang pulso ng bayan.

“Isa ko pang na-realize dito, sa isang campaign, lalo na yung campaign ko, personal experience ko, napaka-important ng family.

“Ang family mo kasi ang tutulong talaga sa ‘yo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre nandiyan yung staff, ang mga supporters, pero ang family mo talaga ang magbibigay sa ‘yo ng moral support pag down ka.

“Kasi meron talagang mangyayari na hindi mo gusto.

“So, ang family plays a very important role.”

FOI BILL. Nakakasa na rin kay Alfred na ang isa sa unang bill na ipapasa niya sa Kongreso ay ang Freedom of Information (FOI) Bill.

“Isa sa mga una kong ipa-file ngayong 17th Congress sa July 1 ay yung FOI bill.

“Kasi hindi siya lumusot nung 16th Congress, pero I will be one of the proponents, principal authors of the Freedom of Information Bill.”

Dagdag pa niya, “Pinag-aralan natin ‘to nang mabuti, and I think at this stage of our democracy, kailangan natin talaga ng freedom of information, kasi yun naman talaga ang ipinaglalaban natin.

“Hopefully, mapasa siya this coming 17th Congress.”

SUPPORT DUTERTE. Isa rin si Alfred sa nakikiisa at nagpahayag ng suporta kay incoming President Rodrigo Duterte, kahit hindi niya kapartido.

Pahayag ng actor-politician, “With the mandate given to Digong by the people, talagang wala tayong excuse not to support him.

“Suportahan natin siyang lahat, kasi nagdesisyon na ang mga tao.

“So, ako naman bilang congressman, I’ll do everything I can to help him succeed.

“Kasi nga, sabi nga ni Mar [Roxas], ‘His success is our success.’

“Kasi ano ‘to, e, bagong chance, bagong lider, suportahan natin kasi tao na talaga ang nag-decide.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN