Rochelle Pangilinan reacts to Maine Mendoza's alleged old tweet about SexBomb

Rochelle Pangilinan retweets Maine Mendoza's alleged old tweet which criticized the afternoon soap starring SexBomb Dancers.


Nag-tweet si Rochelle Pangilinan bilang reaksiyon sa diumano'y lumang tweet ni Maine Mendoza (@mainedcm).

Sa nasabing tweet ay tila nilalait ni Maine ang long-running afternoon soap opera ng SexBomb Dancers, na kinabibilangan noon ni Rochelle, na Daisy Siete.

Ang petsa ng tweet ay March 14, 2010.

Sa tweet ay tinawag na 'nakakatawa,' 'jologs,' at 'yuck' ang all-female dance group na sumikat sa noontime show na Eat Bulaga noong 1999.

Ang Daisy Siete ay nagsimulang umere sa GMA Network noong 2003 hanggang 2010; at umabot hanggang 26 seasons.

Sa unang tweet ni Rochelle, sinabi nitong hindi siya naniniwala na si Maine ang nag-tweet nito at sigurado siyang na-hack ang account nito.

Subalit hindi ma-view ang tweet na ni-reply-an niya. Marahil ay naka-private ang account ng sinumang nag-share nito.

Sa dalawang sumunod na tweet, naka-retweet na ang nasabing tweet mula kay Maine, kasama ang reaksiyon ni Rochelle.

Sa sumunod na tweet ni Rochelle, sinabi niyang kung totoo man daw ito ay “deadma” na lang siya.

Sunud-sunod din ang reaksyon ng netizens sa nasabing tweet mula sa account ni Maine.

Sinabi nilang matagal na raw ang nasabing tweet at bata pa si Maine, na pumasok sa showbiz noon lamang 2015.

May mga nagsabi rin kay Rochelle na hindi magandang ideya ang pag-retweet ng nasabing tweet ni Maine.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ni Maine tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN