Bong Revilla, Jinggoy Estrada to end Senate term in detention

Sandiganbayan denies Senator Bong Revilla's request for furlough in order to attend final sessions at the Senate. Senator Jinggoy Estrada, on the other hand, submits a motion for reconsideration allowing him to segregate his personal and business effects at the Senate.


Ibinasura ng Sandiganbayan ang hiwalay na kahilingan nina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada na mabigyan ng furlough o pansamantalang paglaya mula sa Philippine National Police (PNP) detention center sa Camp Crame.

Kaugnay ito ng pagtatapos ng kanilang termino bilang senador sa June 30.

Nais sana ni Revilla na panandaliang makalaya mula June 6 hanggang June 8 upang dumalo ng mga natitirang sesyon sa Senado.

"DETENTION PRISONER." Ngunit sa resolusyon ng Sandiganbayan First Division na inisyu ngayong Lunes, June 6, nakasaad na hindi maaaring magbalik-trabaho si Revilla kahit panandalian lamang.

Sabi sa isang bahagi ng resolusyon ng anti-graft court, base sa ulat ng GMA News Online: “It is a matter of record that accused Revilla Jr. is a detention prisoner whose petition for bail had been denied. As such, he cannot discharge his office while in detention.”

Sa kabilang banda, maging ang hinihiling na furlough ni Estrada, mula June 6 hanggang June 8, ay hindi kinatigan ng Sandiganbayan Fifth Division.

Gusto sana ni Estrada na mabigyan ng pagkakataong maayos ang naiwan niyang personal and business effects sa kanyang tanggapan sa Senado.

Ngunit noong June 3, inutos ng anti-graft court na bigyan na lamang ni Estrada ng instruction ang kanyang staff upang ihiwalay ang personal na gamit ng senador bago i-turnover ang anumang kagamitan na dapat isauli sa Senado.

JINGGOY'S APPEAL. Gayunman, nagsumite muli si Estrada ng motion for consideration sa Sandiganbayan Fifth Division hinggil dito.

Paliwanag ng kampo ni Estrada sa kanyang motion for reconsideration, "It may be correct to state that signing turn-over documents can be done outside the premises of the Senate, but the segregation of personal and business effects cannot be done outside the premises of the Senate as this needs [Estrada's] presence.”

Tulad ni Senator Revilla, magtatapos na rin ang termino ni Estrada sa June 30.

Parehong nahaharap sina Revilla at Estrada sa kasong plunder, sanhi ng diumano’y pakikipagsabwatan nila sa pork-barrel mastermind na si Janet Lim-Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Revilla ay naditena mula noong June 20, 2014, habang si Estrada ay mula noong June 23 ng parehong taon.  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN