Patricia Tumulak admits to being a 'retokada beauty'

Patricia Tumulak on undergoing cosmetic surgery: "Proud pa ako. Sabi ko, 'I was once an ugly duckling…' Kung kaya ng siyensiya at may pera ka…"


Walang epekto kay Patricia Tumulak kapag sinasabihan siyang “retokada” dahil hindi naman niya itinatangging may ipinaayos nga siya sa kanyang katawan.

Pahayag niya, “Hindi naman kasi ako showbiz.

“At saka, ang dami ko nang na-refer sa doctor ko.

“Sabi ko nga, dapat binibigyan niya na ko ng komi [komisyon]!

“Basta, ang daming labas ng scandal… may prostitution, yung iba may scandal talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling media si Patricia sa taping ng Calle Siete kahapon, June 7.

UGLY DUCKLING. Pinuri siya ng reporters dahil hindi siya ‘etchosera’ kagaya ng ilang celebrities.

Nang lumabas sa media ang pagiging retokada niya, hindi siya nag-deny.

Ayon kay Patricia, “Proud pa ako.

“Sabi ko, 'I was once an ugly duckling…'

“Kung kaya ng siyensiya at may pera ka...”

Sabay niyang pinaayos ang boobs at ilong niya?

“Hindi, paunti-unti, four gives, charot!” natawang hirit niya.

Seryoso niyang dagdag, “As long as masaya ka sa result, may pag-asa, ang siyensiya.

“Kung masaya ka, hindi naman nagbago ang attitude mo sa life mo, hindi ka matapobre.

“At saka kapag may nagtanong talaga, proud ako na, ‘Yan talaga ako Day!’ May picture pa nga ako.

“Sabi ko nga, yung ilong kong tinanggal, gusto kong gawing key chain, di ba, remembrance?

“Ang kapal talaga!”

Itinapon na raw ng doktor na nag-opera sa kanya ang ipinatanggal niyang bahagi ng ilong.

Sabi pa ni Patricia, “Malaki talaga ang ilong ko, trinim siya.

“Proud talaga ako. Pero minsan nga, sabi ng manager ko, ‘Huwag mo namang idiretso. Kapag tinanong ka na lang.’

“E, minsan, inuunahan ko na.”

Ano ang masasabi niya sa ibang artista na retokada, pero never umamin?

Sagot ni Patricia, “May choice sila kung gusto nilang i-deny.”

Natatawa pa niyang dagdag, “Pero mas ikakaunlad ng doctor kung ire-refer nila!”

Pero mas magaan daw ang pakiramdam kapag walang itinatago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, kasi alam ko naman kung saan galing. 2011 pa lang, isyu na ‘yan, e,” sabi ni Patricia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN