Alma Moreno spent P134K for election campaign; Ralph Recto's campaign funds reached P131-M

Alma Moreno, Ralph Recto and Ping Langson have submitted their certificate of campaign expenditures to the Commission on Elections.


Nagsimula nang magsumite ng certificate of campaign expenditures (COCE) sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kumandidato sa nagdaang national elections.

Una na rito ang United Nationalist Alliance (UNA) senatorial candidate na si Alma Moreno na naghain ng COCE na may petsang June 2.

Base sa kanyang COCE, makikitang umabot lamang ng P134,333 ang personal na ginasta ni Alma para sa pangangampanya.

Nakapaloob din ditong wala umanong natanggap na campaign contribution si Alma mula sa anumang political party o iba pang sources.

Base ito sa tweets ni GMA News Reporter Joseph Morong tungkol sa mga inihaing COCE ng ilang kandidato ngayong Martes, June 7.

ALMA’S VIRAL DANCE AND INTERVIEW. Wala man siyang TV commercials para sa eleksyon, naging aktibo si Alma sa pagdalo sa campaign sorties ni UNA standard bearer Vice President Jejomar Binay.

Katunayan ay naging viral ang pagsayaw ni Alma sa isang campaign sortie ng UNA sa Sarangani Province noong Abril.

Lumikha rin ng kontrobersiya ang panayam kay Alma ni Headstart anchorwoman Karen Davila noong November 2015.

RALPH RECTO’S CAMPAIGN FUNDS. Sa kabilang banda, umabot naman ng P111,650,000 ang campaign contribution na natanggap ni re-electionist Senator Ralph Rector mula sa di pinangalanang sources.  

Base sa kanyang COCE, gumasta rin si Recto ng P20,217,403.89 mula sa kanyang personal funds.  

Pumuwesto sa panglabing-isa si Recto sa senatorial race ngayong taon.

PING LACSON’S CAMPAIGN FUNDS. Umabot naman ng mahigit P90,474,233.26 ang campaign contributions na natanggap ng nagbabalik-Senado na si Panfilo 'Ping' Lacson.

Base sa kanyang COCE, mahigit P50 million ang monetary contribution at mahigit P30 million ang halaga ng in-kind contribution mula sa di pinangalanang sources.  

Pumang-apat si Lacson sa senatorial race ngayong taon.

             

                                                                        

Nagsumite rin si Lacson ng dokumentong nagpapatunay na ibinalik niya ang sobrang monetary contribution na natanggap niya, na nagkakahalaga ng P2.5 million.

Samantala, hindi pa nagsusumite ng kani-kanilang COCEs ang presidential candidates na sina Rodrigo Duterte, Mar Roxas, Grace Poe, Jejomar Binay, at Miriam Defensor-Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Miyerkules, June 8, ang nakatakdang deadline ng submission ng COCEs sa Comelec.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN