Kenneth Medrano admits receiving indecent proposals

Kenneth Medrano on indecent proposals: "Merong 'Kenneth, magkano yung… may nag-sponsor na ba sa 'yo?' E, sineen [seen] ko na lang, hindi ko pinansin. Nakikita ko po sa filtered messages, sa messages mismo [sa Facebook]... Yung magbibigay ng monthly, yung ganun."


Inamin ng Eat Bulaga! mainstay na si Kenneth Medrano na nakatatanggap siya ng indecent proposals mula sa ilang netizens sa social media.

Sabi ng That’s My Bae winner, “Ay, marami po! 

“Merong ‘Kenneth, magkano yung… may nag-sponsor na ba sa ‘yo?’

“E, sineen [seen] ko na lang, hindi ko pinansin.

“Nakikita ko po sa filtered messages, sa messages mismo [sa Facebook].”

Paanong sponsor?

“Yung magbibigay ng monthly, yung ganun.”

Wala raw siyang sinagot sa mga ito.

“Kasi takot ako, e!” bulalas niya.

“Yung sa isip ko, biglang pumasok yung handler namin sa Eat Bulaga na, ‘Kenneth, ganito, ha, huwag, ha? Kasi, naku, sayang lahat ng ano mo!’”

Pero flattered naman daw siyang may humahanga at nagkakagusto sa kanya.

“Opo! Parang hindi pa rin nag-sink in sa isip ko na artista.

“Kasi sinasabi po ng mommy ko parati, ‘Kenneth, kung ano si Kenneth dati ng hindi pa ganun, ha, kung nasaan ka ngayon, dapat pagbalik mo dito sa Cebu, ganun ka pa rin.”

Paano ba binago ng pagiging artista ang buhay ni Kenneth?

Sagot niya, “Hindi na po ako humihingi ng financial [support] sa mommy ko, parang…

“Nasanay po ako maging responsible na lalaki or sa sarili ko po.

“Kasi dati sa Cebu, parang, ‘Mommy, ganito-ganito, Mommy!’

“E, ngayon, wala akong mommy.”

Nasa Cebu ang pamilya ni Kenneth at siya ay namumuhay nang solo sa isang condo unit sa Metro Manila.

Kaya sa sarili lang niya siya umaasa sa lahat ng bagay.

“Kaya parang, ‘Kenneth, you can do it! Kenneth, maglaba ka. Kenneth, maghugas ka. Kenneth, maligo ka!’

“Ganun-ganun... ‘Mag-ano ka ng tubig. Kenneth, dapat magising ka ng ganitong oras.’

“Dati sa mommy ko, ‘Mommy, please wake me up.’

“Na, ‘Kenneth wala na ang mommy mo, ha, kaya dapat ikaw sa sarili mo.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kenneth sa taping ng bagong morning teleserye ng GMA Network at TAPE Inc., ang Calle Siete, sa Quiapo, Manila, nitong Lunes, June 6.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Papalitan ng Calle Siete ang magwawakas nang Princess in the Palace.

ULTIMATE BAE. Bagamat siya ang nanalo sa That’s My Bae, na-overshadow siya ng co-host sa Eat Bulaga! na si Alden Richards, na kinikilala ngayon bilang Pambansang Bae.

Pero ayon kay Kenneth, “Okay lang po! Deserving naman po kasi kay Alden, e.

“Kasi nung sa nakita ko ngayon kay Alden, nung dati siya, parang same pa rin, e. Hindi siya nagbago.

“So, deserving naman po.”

Hindi siya nainggit o nagselos?

“Hindi naman ako nagseselos kasi binigyan ako ng break ng Eat Bulaga.

“Kung ano ang meron ako ngayon, ang daming may gusto sa position ko, so proud po ako.

“Kaya wala po akong sama ng loob.

“Hindi ako magiging Kenneth Medrano pag iyon yung pinakita ko or iyon ang magiging attitude ko.”

Kapag ini-launch na siya, ang crush niyang si Jennylyn Mercado daw ang gustong maging leading lady ni Kenneth.

Pagdating naman sa pagiging artista, sabi ni Kenneth, “Gusto ko po action, parang Robin Padilla.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN