Patricia Tumulak prefers non-showbiz, foreigner boyfriend

Patricia Tumulak wants to be the 'driver' in a relationship: "Yung parang never kang magre-rely, never kang magiging dependent sa someone mo. Kailangan kung ano ang meron ka, may power ka rin. Ayoko ng mas mayaman sa akin, ayoko ng mas may power or whatever. Ako yung lamang."


Mataas daw ang standard ni Patricia Tumulak pagdating sa lalaki kaya mahigit isang taon na siyang walang boyfriend.

“Ang mantra ko, never settle for anything less,” sabi ng Eat Bulaga! co-host sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, “Kasi, I’ve been through hell and water for my past.

“All out ako before, e. Siya yung prinsesa, ako yung driver.”

Sa ganda niya, siya pa yung hindi prinsesa sa relasyon nila?

Paliwanag ni Patricia, “Pinalaki kasi kaming… paano ko ba ie-explain ‘to? 

“Yung parang never kang magre-rely, never kang magiging dependent sa someone mo.

“Kailangan kung ano ang meron ka, may power ka rin.

“Ayoko ng mas mayaman sa akin, ayoko ng mas may power or whatever. Ako yung lamang.

“Teacher kasi ako, so ako yung mommy. Parang ako yung nag-aalaga.”

Apat na raw ang naging boyfriend ni Patricia at lahat daw ito ay long term. Ang huling relasyon daw niya ay inabot ng tatlong taon.

Bakit niya nasabing “hell and water” ang nakaraan niyang relasyon?

Saad ni Patricia, “Kapag alam kong wala nang growth, instead na pataas ka, pulling you down.

“Negative na, hindi na nakakatulong, exit na. 

“Wala namang third party ever.”

Ang mga naging ex-boyfriends naman daw niya ay puro non-showbiz at hindi pa raw siya nakikipag-date sa taga-showbiz.

Sabi pa ni Patricia, “Kahit nasa showbiz na ako, never akong magdi-date ng same industry.”

PATRICIA WANTS AN AFAM. Wala rin daw namamagitan sa kanila ng kasamahan niya sa Eat Bulaga! na si Sam YG sa kabila ng panunukso sa kanila.

Ayon kay Patricia, “Si Sam, parang barkada kami.

“Alam ko ang nililigawan niya, alam niya ang nanliligaw sa akin.”

Hindi siya nasaktan nang lumabas na girlfriend daw nito si Joyce Pring?

“Hindi, pinu-push ko talaga…

“At saka, type ko mga Afams! Well, ibang lahi talaga. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko nga, this time, pogi na talaga, ibang lahi naman!” natawa niyang sabi.

Pero nilinaw niyang Pinoy lahat ng mga naging boyfriend niya.

Ngayon na lang niya nagustuhan ang foreigner?

“Well, ang weakness ko, smart and funny.

“Basta may sense. Yung super smart.

“Ang ex ko dati, parang Kuya Kim [Atienza] na, ‘Alam mo ba…’ yung bawat lugar, natutunan mo.”

Bakit Afam o foreigner ang gusto niya?

Sagot niya, “Parang magandang lahi! 

“Gusto ko kasi na wala siyang pakialam sa ginagawa mo ngayon, iba ang mundo niya.”

May nakilala na raw siyang foreigner, isang Spaniard, pero wala raw nangyari. Hindi raw natuloy dahil umalis na rin ito.

PATRICIA, THE ACTRESS. Ang Lenten special ng Eat Bulaga na “Walang Kapalit” ang unang acting project na ginawa ni Patricia. 

Kaya natatawa ito nang sinabihang artista na siya dahil regular teleserye na na ang ginagawa niya ngayon.

Ito ay ang Calle Siete na papalit sa magtatapos nang Princess in the Palace.

“Hindi pa nagsi-sink-in!” tawa niya.

“Dito naman po, very light lang ang show na ito, comedy siya.

“Wala masyadong piga, so normal lang ang acting.”

Ang karakter niya sa Calle Siete ay si Patring, isa sa mga nakatira o nangungupahan sa Mabuhay Compound. 

Fitness instructor siya na may pagka-kikay at hopeless romantic.

“Okey rin naman kasi, ganun din naman ang ginagawa ko in real life, yoga, gym,” sabi niya.

May leading man siya?

“Sa ngayon, wala pa. Kasi, ang character ko, mabilis akong ma-in-love, mabilis din mawala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN