Aiza Seguerra to Duterte supporters: "Hindi porke't iba sa opinyon ninyo, aawayin niyo na."

Aiza Seguerra has a reminder to fellow Duterte followers: "Hindi porke't iba sa opinyon ninyo, aawayin niyo na."


Isang mahabang pahayag ang ipinost ni Aiza Seguerra sa kanyang social media accounts nitong Martes, June 7, na nagpapaalala sa mga kapwa tagasuporta ni President-elect Rodrigo Duterte na huwag maging “blind followers.”

Paalala ni Aiza, hindi dapat maging “one-sided” pagdating sa pagtatanggol kay Duterte at mambabatikos ng sinumang may taliwas na opinyon o may pahayag laban sa bagong halal na pangulo at sa mga tagasunod niya.

Simula ng singer, “As a Duterte supporter, I would encourage na sana wag naman tayo maging blind followers.

“It will help our president kung hindi tayo one-sided at marunong tayong magbigay ng respeto sa opinion ng iba instead of fanning the flames of hatred towards people who don't share the same point of view or opinion.”

Kahit sa social media, may mga mababasang posts mula sa supporters ni Duterte na naghahamon, nagmumura, nagagalit sa ibang netizens na pumupuna kay Duterte, o kaya naman ay kapag may mga isyung pumupuna sa outgoing Davao City mayor.

“Wala naman problema ipagtanggol si Tay Digong. Pero ayusin naman natin.

“Maging responsable naman tayo dahil dala-dala natin ang pangalan niya.

“Read the whole article, not just headlines. Wag puro memes.

“Siguraduhin ninyo kung tama ang information ninyo.

“Intindihin ninyo kung talagang ganon nga ang ang gustong sabihin ng taong involved.

“Gusto n’yong maging media ni Duterte? Then you have to be fair.

“Nagrereklamo tayo na biased ang media.

“Eh Kayo? Kaya niyo bang hindi maging biased?

“Yung iba nga sa inyo, ang tindi ninyong mangutya agad-agad dahil lang hindi ninyo nagustuhan ang sinabi.

“Galit na galit tayo sa binabato kay Tay Digong, eh minsan nauuna pa ang iba sa atin na mambato sa iba ng mas masasama pang salita dahil lamang iba sila ng pananaw.

“‘Yan ba yung pinagmamalaki ninyong pagbabago?” tanong ni Aiza.

Nanawagan din si Aiza sa mga tagasuporta na matutong rumespeto sa opinyon ng iba, taliwas man ito sa kanilang pananaw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“In the same way na sinasabi natin na alamin ang konteksto ng mga statements ni Tay Digong, gawin din natin yon para sa ibang tao.

“Hindi porke't iba sa opinyon ninyo, aawayin niyo na.

“The more na nambabastos tayo, lalong nasisira ang pagtingin nila sa mahal nating presidente.

“There's always a way of protecting and defending our President na hindi kailangan manira at mambastos ng kapwa.

“We cannot be blind followers na bibirahin na lang lahat ng hindi sang-ayon sa atin.”

Dagdag pa niya, “As much as gusto natin na pare-pareho tayo ng opinion about certain matters, imposible yon.

“At kung mag-aaway tayo at magbabastusan at magrereklamo nang walang katapusan at maninira dahil lamang iba tayo ng pananaw, then there can be no peace.

“At yun ang ang unang-unang sinabi ni Digong nung nanalo siya.

“He wants us to be united kahit magkakaiba tayo ng opinion, relihiyon, ideology at paniniwala.

“Hindi lang ang mga political parties, hindi lang ang mga naging kalaban sa eleksyon kundi tayong lahat.

“Our Pres-elect is already facing an uphill battle para ayusin ang bulok na systemang ng Pilipinas.

“He needs our help. We all want our COUNTRY to succeed.

“If we want CHANGE; WE HAVE TO WORK TOGETHER.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN