PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee refutes ex-girlfriend Vina Morales's allegations

Kahit labag man daw sa kanyang kalooban na makipagsagutan sa ina ng kanyang anak, nagdesisyon si Cedric Lee na ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga bagong alegasyon ni Vina Morales. Ayon kay Vina, sapilitang tinangay ni Cedric ang kanilang anak na si Ceana sa loob ng siyam na araw. Ngunit ayon kay Cedric, wala itong katotohanan.


Mariing pinabulaanan ng negosyanteng si Cedric Lee ang alegasyon ni Vina Morales  na sapilitan niyang tinangay ang anak nilang si Ceana sa loob ng siyam na araw.

Ayon kay Cedric, walang katotohanan ang mga alegasyon ng ex-girlfriend dahil may court orders siyang magpapatunay na si Vina ang hindi sumunod sa kanyang visitation rights.

Matatandaang isiniwalat ni Vina sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naghain siya ng reklamo laban kay Cedric dahil sa pagkuha nito sa kanilang anak nang walang pahintulot mula sa kanya.

Read: Vina Morales files complaint against Cedric Lee for forcibly detaining their daughter

Ngayong Martes ng hapon, June 7, nakausap ng PEP si Cedric sa pamamagitan ng telepono upang ibigay ang kanyang panig kaugnay ng mga pahayag ni Vina.

Halata sa boses ni Cedric na medyo galit siya dahil sa aniya’y pagpapapansin ng dating karelasyon at ina ng kanyang anak.

Sana raw ay hindi na lang inilalabas sa media ang mga sensitibong bagay katulad nito.

Kinontra rin ni Cedric ang pahayag ni Vina na na-trauma ang kanilang anak habang magkasama sila.

Sa katunayan daw ay enjoy na enjoy ang bata sa kanilang father-and-daughter bonding.

May mga litrato raw siyang magpapatunay nito.

“MERE ALLEGATIONS…” Matapos ng aming pag-uusap sa telepono, pinadalhan kami ni Cedric ng karagdagang pahayag, sa pamamagitan ng Facebook messenger, kaugnay ng mga alegasyon ni Vina.

Dito ay inilatag niya ang anim na punto kung bakit hindi raw dapat paniwalaan ang mga sinasabi ni Vina.

Inulit din ni Cedric na ayaw sana niyang humantong sa ganito dahil hindi niya gustong magsalita ng masakit laban sa ina ng kanyang anak.

Narito ang buong pahayag ni Cedric:

“The press releases of Vina is not substantiated by court documents but mere allegations.

“The court documents can't be released publicly due to the sensitivity of the case and to protect the exposure of our child to public scrutiny.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It is also not in my nature to say negative things about the mother of my child to protect my child's reputation.

“I, however, find her statements damaging.

“I will state some facts: 1) This custody case/visitation case has been ongoing for 3 years now. I have tried my best to keep this out of public out of respect for the mother of my child and my daughter.

“2) There was a signed agreement between us regarding visitation, holidays and spending a few nights with me during summer holidays. This was agreed upon in 2013.

“3) There has been violations the court has recorded regarding times when I wasn't able to see my daughter. Prior to me spending time with Ceana, the court has noted that Vina owes me 10 days.

“4) During the 8 days I was with Ceana, my lawyers were constantly in touch with her lawyer and family. They knew when I was going to take my daughter home.

“5) Ceana was not traumatized while with me and spent time with her siblings and family. We have photos and videos during this time.

“6) Ceana was asked to go to court on the 8th day. Ceana is 7 and this is all new to her.”

(Ed's Note: Sinadya ng PEP na labuan ang mukha ng bata para proteksyunan ang pagkakakilanlan nito.)

"I NEVER BULLIED VINA." Pinabulaanan din ni Cedric ang sinabi ni Vina na binu-bully niya ito pati na ang pamilya ng singer-actress.

Pahayag niya, “My daughter is not aware of the court case we have.

“This may have traumatized her as she did not know what was going on.

“I have never bullied Vina and have gone through the right avenue.

“I believe my child has a right to have both her father and mother in her life.

“I did not say anything in media when I was not able to see my daughter for a year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“This has gotten out of hand and I sure hope that we can both iron out differences in the near future.”

VINDICATION IN THE COURTS OF LAW. Bukas, June 8, nakatakdang maglabas ng statement sa media ang kampo ni Cedric, sa pamamagitan ng kanyang abugado na si Atty. Ricardo Moreño.

Ngunit nauna nang nakakuha ng kopya ang PEP at ito ang nilalaman nito:

Sa kasalukuyan ay hinihingan na ng PEP si Vina ng kanyang reaksiyon tungkol sa pahayag ni Cedric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN