Regine Tolentino finally confirms separation from Lander Vera-Perez

Regine Tolentino on moving on after separation from husband Lander Vera-Perez: "In a blink of an eye, things can change. Ako pa naman, hindi ako sanay sa change. Masaya na ako kung ano yung dati. But then, I realized, okay, there is a bigger world out there and there's so much you can do and accomplish and learn. Life is short, just go for it."


Kinumpirma ni Regine Tolentino ang matagal nang usap-usapang hiwalay na sila ng kanyang mister na si Lander Vera-Perez pagkatapos ng 18 taong pagsasama.

Inamin din ng dance instructor at fitness guru na bagamat iniyakan niya ang paghihiwalay nila ay naka-move on na siya ngayon.

Pahayag ni Regine, “Ngayon lang, nang mag-one year na.

“Parang cut-off na, one year na. Tapos na yung mga first.

“You go through all those stage and once you’ve accomplished that and get over with that phase, bagong buhay na, new everything.

“So, iba, iba in a good way.

“Parang after eighteen years, you need to grow rin.”

Handa na kaya siyang ma-in love muli?

Ayon kay Regine, “Eventually, when things are legal.

“It’s okay when people accept it. Ayoko rin namang biglain ang tao.

“And I have no time rin naman bilang busy ako sa dami kong ginagawa.

“I’m just very blessed na tuluy-tuloy ang trabaho.

“I’m in love with my work and my children, at ngayon, parang I’m in love with myself na rin.

“Kailangan, e. Parang yun muna.”

Patuloy niya, “Okey na ako. Focus ako sa career.

“Parang gusto kong i-remodel ang shop ko, i-remodel ang bahay...

“I believe everything happens for a reason, kahit gaano pa kasakit, unexpected ang lahat ng nangyari.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa RT Studios Ultimate Summer Workshop 2016 sa Robinson's Magnolia kamakailan.

‘NOTHING IS REALLY FOREVER.’ Eighteen years old lang si Regine nang magpakasal sila ni Lander, kaya sa palagay niya ay nag-mature na rin siya.

“My daughter is turning 18 next year.

“So when I see my daughter now, ganun ako nun—so in love, married, and I can be a hopeless romantic. 

“Pero yun nga, someday, when timing is right and everything’s okay na.”

Ilalagay na niya sa legal ang paghihiwalay nila ni Lander?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m still in the process,” nakangiting sagot ni Regine.

Ayon pa sa Unang Hirit mainstay, dahil sa nangyari, mas naging malapit at mas naging matatag ang samahan nila ng kanyang dalawang anak na babae.

Saad niya, “I think, mas lalo kaming tumibay, mas lalo kaming naging independent, mas lalo kaming naging solid na mag-iina.

“And yun nga, na-prove namin na kaya pala.

“When at first, kaming tatlo, lost na lost kami kung papaano kami kikilos, tatlong babae lang.

“Hindi exposed sa lahat, we used to be very close-knit.

“Parang ngayon, travelling, documents, finances, managing our travels…

“Di ba, ganun naman yun, as women, feeling helpless, you always need somebody to protect us, ganyan-ganyan. 

“We have each other and, of course, aside from my mom and dad, nakakaraos kami, okey na.

“Naging okey lahat.”

Ano ang mga naging realization niya nang maghiwalay sila ni Lander?

“I really realized that nothing is really forever!” natawang sagot ni Regine.

“I just realized that as women, I think, we can be fixated with concept na ‘eto na yun.

“But hindi, in a blink of an eye, things can change.

“Ako pa naman, hindi ako sanay sa change. Masaya na ako kung ano yung dati.

“But then, I realized, okay, there is a bigger world out there and there’s so much you can do and accomplish and learn.

“Life is short, just go for it.”

THERE’S LIFE AFTER SEPARATION. Kumusta naman siya ngayon?

Ayon kay Regine, “Mas magaan lahat, meeting new people, going, travelling.

“I enjoy being a mom so it’s really exciting. 

“Sometimes it’s hard. Hindi ko maiwasan na may mga times na nakakalungkot, especially when you see other families.

“Pero okey naman, we have each other at sila [her children] pa yung mas matibay kesa sa akin.

“And as a matter of fact, parang mas nag-excel kami in every aspects of life.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano naman tinanggap ng kanyang dalawang anak ang paghihiwalay nila ni Lander?

Sabi ni Regine, “Yes, sila pa nga ang nagsasabi sa akin na, ‘Mama, don’t work anymore, go out with your friends.’

“I’ve felt that for the longest time, pero yun nga, sabi ko nga, siguro there’s a reason to be that way. 

“In my 18 years, I’ve been happy naman.

“Kaya para matapos siya ng ganun na lang, sometimes ang hirap talagang tanggapin.

“Okey sana kung on the rocks, pero yun nga, siguro I suppose, may mga bagay talaga na ganun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN