Miguel Tanfelix featured in Good Morning America

Nasorpresa ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix nang gamitin ng American television morning show na Good Morning America ang kanyang social media post sa isang bagong segment, ang "Musical.ly Challenge."


Nasorpresa ang Kapuso young actor na si Miguel Tanfelix nang gamitin ng American television morning show na Good Morning America ang kanyang social media post sa isang bagong segment, ang “Musical.ly Challenge.”

Contest ito para sa lahat ng US residents na puwedeng i-perform sa pamamagitan ng video ang lahat ng mga challenge na ibibigay ng programa.

Kuwento ni Miguel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Last Thursday [June 2], sinabihan na ako ng handler ko na kausap niya ang isang producer or researcher ng Good Morning America.

“Sabi ko, 'Ano yun?' I'm not familiar kasi.

“Tapos, in-explain niya sa ‘kin.

“So, Friday [June 3], nag-abang kami.

“Then, over the weekend, sabi namin baka di na ipapalabas.

“Tapos, last Monday [June 6], umere na nga sa program nila.”

Patuloy ng Kapuso young actor, “Yung video na ginamit nila, kay Michael Jackson na song, yung ‘Black or White.’

“Akala namin, seconds lang siya ipapalabas.

“Nagulat kami kasi ang daming beses akong ipinakita. Inulit-ulit pa nila sa montage ng segment.

“Siyempre, nakakatuwa, di ba, kasi Good Morning America yun!”

NEW APP. Ang musical.ly ang bagong app na kinahuhumalingan ni Miguel ngayon.

Saad niya, “Ibang app ang ginagamit ko before.

“Then, I found out about Musical.ly.

“Marami kasi siyang features unlike the other one.

“Before, araw-araw akong nagpo-post.

“Gusto ko rin ng variety sa posts ko, may pictures and videos.

“E, natutuwa naman yung followers ko.

“Yung mga ipinu-post ko sa musical.ly, ipinu-post ko rin sa Instagram at Facebook.”

Ayon pa kay Miguel, “Crowned or verified na yung account ko sa musical.ly, like Facebook.

“Actually, ako yung 3rd Pinoy na crowned sa application.

“Marami na… malapit nang maging 100,000 fans.

“Tapos, likes or hearts is around 400,000.

“Masaya na gamitin yung account, maraming foreign followers.

“Gustung-gusto nila yung mga videos. Yung iba, nagtatanong kung sino ba ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don't usually comment kasi doon, pero I let them have a ‘Duet’ with me.

“Last month, before I got Crowned, the app contacted GMA Artist Center kung pwedeng gumawa ng promo with me yung #DuetWithMiguel.

“So, gumawa ako ng video na puwede nilang gamitin para sa Duet.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN