Heart Evangelista relieved that election period is over: "Para akong nabunutan ng tinik."

Heart Evangelista on relationship of her mom Cecile Ongpauco and her husband Chiz Escudero: "Okey sila, sobrang okey sila. Nag-hug pa nga sila sa Balesin nung nagkukuwentuhan. It's really, really good, it's nice."


Para raw nabunutan ng tinik ang Kapuso actress na si Heart Evangelista ngayong tapos na at nalaman na ang resulta ng nakaraang May 9 elections.

Tumakbong vice president ang mister niyang si Sen. Chiz Escudero ngunit pumang-apat lamang ito sa anim na kandidato para sa nasabing posisyon.

Ang nanalo ay si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Sabi ni Heart sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ang saya! Para akong nabunutan ng tinik, actually.

“Kasi, yung life mo, you live your life according to this, that, and everything.

“So, you know, senator pa rin siya, medyo busy pa rin siya.

“Pero sabi ko, we have na a chance to live a little.

“So, sabi ko, ‘Tara, biyahe tayo whenever I can, labas tayo.’

“E, si Chiz naman, from day one, parang never naman yata ‘yan naupo lang at nanood ng TV.

“E, ngayong umpisa pa lang ng session, ‘Tara, alis tayo.’

“So, every weekend, umaalis kami, may ginagawa kami.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa taping ng primetime series nila ni Dennis Trillo sa GMA Network na Juan Happy Love Story noong Lunes, June 6.

BALESIN ISLAND. Nakatatlong balik na raw si Heart sa Balesin Island; si Chiz naman ay nakadalawang balik na.

Sa Balesin Island ikinasal sina Heat at Chiz noong February 15, 2015.

Sa huling pagpunta nila sa Balesin, kasama nila ang mommy ni Heart na si Cecile Ongapauco.

Matatandaang hindi dumalo ang mga magulang ni Heart sa kanyang kasal dahil hindi pa sila nagkakaayos nung mga panahong yun.

“Di ba, parang nothing happened?” masayang sabi ng Kapuso actress.

Kumusta na ang mommy niya at si Chiz?

Ayon kay Heart, “Okey sila, sobrang okey sila.

“Nag-hug pa nga sila sa Balesin nung nagkukuwentuhan.

“It’s really, really good, it’s nice.

“Kahit yung daddy ko, hindi kami nag-Baguio, nag-Tagaytay lang kami, ang daddy ko ang nag-drive.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil hindi nakasama ang ama ni Heart na si Reynaldo Ongpauco sa Balesin nitong huling punta nila, naging isyu ito agad sa iba.

Paliwanag naman ni Heart, “I know, pero ayaw niyang mag-plane. Hindi siya mahilig mag-plane.

“Pareho kaming may fear of flying. Takot siya sa mga ganun, parang ako.”

Hindi ba’t marami nang bansang napuntahan ang daddy niya?

“Oo, pero ano yun, kapag nagta-travel siya, major yun sa kanya. Iinom siya ng pampakalma.

“Sa kanya ko namana yung fear of flying.

“Kahit nung election, araw-araw, three times and landing, take-off.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN