Aiza Seguerra, Leah Navarro trade barbs on Twitter

Aiza Seguerra to social media users who are strong supporters of political personalities: "Police your ranks as well."


Nagpalitan ng opinyon ang singers na sina Aiza Seguerra at Leah Navarro sa Twitter dahil sa naging pahayag ng una tungkol sa mga kapwa niya supporter ni incoming President Rodrigo Duterte.

Nagsimula ito nang i-retweet ni Leah ang link ng artikulo na naglalaman ng Twitter posts ni Aiza, na nagpapaalala sa Duterte supporters na huwag maging “blind followers.”

Nagkomento rin dito si Leah, na kilalang supporter ng Liberal Party: “Now @aizaseguerra claims to see the light. Are the blinders really off?”

Bilang paglilinaw, agad naman itong sinagot ni Aiza at sinabing simula noon ay isinusulong na niya ang “fairness,” bagamat kilala siyang strong supporter ni Duterte.

Samantala, sa sagot ni Leah kay Aiza, sinabi nitong hindi maaaring maging “fair” at “unbiased” ang isang tao pagdating sa usapin ng pulitika, lalo na kung campaign season.

Ito naman ang balik ni Aiza kay Leah: “But campaign is over. Loyalty should be to the country and not any political party.”

Nilinaw ni Leah na, tulad ni Aiza, ang loyalty niya ay para sa bansa. Pero aniya, “Just because elections are over we should tolerate indignities.”

Para naman kay Aiza, sa halip na mag-"move on," kailangan ng bansa ang mag-"move forward."

Samantala, ito naman ang naging tugon ni Leah kay Aiza:

Dagdag naman ni Aiza:

Sa isang naunang post ni Aiza, nilinaw niya na ang kanyang pahayag tungkol sa pag-iwas na maging “blind follower” ay para sa lahat, lalung-lalo na sa mga netizen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN