Dennis Trillo slams rumored breakup with Jennylyn Mercado

Dennis Trillo on critics of his relationship with Dennis Trillo: "Hindi naman nila alam ang totoong nangyayari. Puro imahinasyon lang ang pinapairal nila. Kaya mas gusto naming pribado lang."


Itinanggi ni Dennis Trillo ang balitang break na naman daw sila ni Jennylyn Mercado.

Ito ay sa kabila ng hindi pa nila direktang inaamin ang totoong estado ng kanilang relasyon.

Giit ng Kapuso actor, “Okey kami, hindi ko alam kung saan galing ang mga ‘yan.”

Nagburahan daw kasi sila ng mga ipinost nilang larawan sa Instagram.

Sabi ni Dennis, “Ako, wala akong binubura.

“At saka, hindi naman porke’t nagbura, may problema na, di ba?

“Yun ang problema sa iba, e, misinterpretations, tapos yung mga comments.”

Pero sabi-sabi, nakaka-stress daw maging fans nila dahil away-bati sila ni Jennylyn.

Komento ng aktor, “Ano naman ang alam nila?

“Hindi naman nila alam ang totoong nangyayari.

“Puro imahinasyon lang ang pinapairal nila.

“Kaya mas gusto naming pribado lang.”

Siya rin ba yung tipo ng lalaking nagdi-delete ng pictures sa Instagram kapag nagkakalabuan na sila ng karelasyon?

“Hindi, at saka ako, wala naman akong dini-delete,” sagot ni Dennis.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Dennis sa taping ng primetime series nila ni Heart Evangelista sa GMA-7, ang Juan Happy Love Story, sa New Manila, Quezon City, noong Lunes, June 6.

MALDIVES VACATION. Kailan lang ay nabalitang nagbakasyon sila ni Jennylyn sa Maldives.

Kumusta ang Maldives?

“Okey naman, maganda, pang-pamilyang lugar,” nakangiting sagot ni Dennis.

Mas masarap kapag special someone ang kasama sa naturang lugar, di ba?

“Masarap din,” pakili niya.

Biglaan lang ba talaga ang pagpunta nila doon?

“Well, minsan may napag-uusapan kayong biglaang plano.

“Nakita mo sa picture, maganda riyan, punta tayo riyan.”

Nalalapit na ang pag-renew ng kontrata nina Dennis at Jennylyn sa GMA-7. Pero may mga balitang malamang ay lumipat sa ibang network si Jennylyn.

Nang tanungin tungkol dito ay umiwas ang aktor.

“Naku, mas magandang siya ang tanungin niyo.

“Ayokong magsalita kapag tungkol sa mga kontrata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre ano ‘yan, kahit pag-aartista, business pa rin ‘yan.

“So, depende sa deals nila… mas maganda kung Kapuso pa rin, pero nasa sa kanya yun.”

DREAM HOME. Napag-usapan din ang pagkakaroon niya ng sariling bahay sa Antipolo.

“Okey lang, bahay naman yun ng family ko,” sabi niya.

Kasama niya sa ipinatayong bahay ang pamilya niya kaya marami raw itong kuwarto.

“Kapatid ko po lima, kaya eight yung bedrooms.

“Ine-enjoy ko muna na kasama ang pamilya.

“Nag-condo kasi ako nang matagal, so na-miss ko rin yung kasama sila.”

Kung magpapatayo raw siyang muli ng bahay, posibleng para naman sa magiging future family niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN