Duterte spent P371M, Robredo P418M in campaign money as shown in their SOCEs

Halos P200 thousand lamang ang ginastos ni President-elect Rodrigo Duterte mula sa kanyang sariling pera nitong nakaraang eleksyon. Umabot sa halos P375 milyon ang natanggap niyang campaign contributions mula sa mga kaibigan at supporters.


Umabot sa P371 million ang ginastos ni President-elect Rodrigo Duterte sa kanyang kampanya nitong nakaraang eleksyon.

Ayon sa ulat ng GMA News Online, nakatanggap si Duterte ng campaign contributions na umabot sa  P375,009,474.90, kung saan ang cash ay P298,363,792 million at ang in-kind naman ay  P76,705,682.90 million.

Ayon sa isinumiteng statements of contributions and expenses (SOCE) ng kanyang staff sa Comelec nitong June 8, nasa P200,000 lamang ang nagastos na pera ni Duterte mula sa kanyang sariling bulsa.

Ang kanyang kabuuang gastos ay umabot sa P371,461,480.23 million.

Ang kanyang running-mate naman na si Senator Allan Cayetano ang masasabing pinakamalaking contributor niya, kung saan kumbinasyon ito ng in-kind at cash para sa television ads na umabot sa P71.2 million.

Nag-donate din si dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino ng TV ads na nagkakahalaga ng P3.14 million.

Ang mga nakalaban ni Duterte na si Vice President Jejomar Binay ay nagdeklara ng kanyang SOCE na umabot sa P463.38 million at si Senator Miriam Defensor-Santiago ay gumastos ng P74.65 million.

Si Grace Poe ay gumastos ng P510 million. Ang natanggap niyang campaign contribution ay P511.95 million. Wala rin siyang ginastos mula sa sariling bulsa.

Hindi maman nakahabol sa pagpa-file ng kanyang SOCE si Mar Roxas.

VICE PRESIDENTIAL RACE. Samantala, nangunguna naman si Vice President-elect Leni Robredo sa may pinakamalaking gastos sa kampanya sa lahat ng mga tumakbo sa pagka-bise presidente.

Umabot sa halagang P418.6 million ang ginastos ng Liberal Party candidate.

Wala naman daw siyang nagastos na pera mula sa kanyang bulsa dahil lahat daw ay galing sa kanyang partido at sa mga donasyon.

Pumangalawa naman si Senator Francis Escudero sa P322.5 million, kasunod si Senator Cayetano na gumastos ng P189 million.

Si Senator Bongbong Marcos naman ay gumastos ng P140.5 million.

Panglima si Senator Antonio Trillanes sa ginastos nitong P61.8 million at pang-anim si Senator Gringo Honasan, P26.2 million.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN