Enchong Dee moves on after failed relationship with Fil-Brit model Samantha Lewis

Enchong Dee admits to initiating breakup with Samantha Lewis: "Marami, marami naman factors and sabi ko nga, siguro karamihan nung mga factors na yun, sa akin yung problema. Kasama na yung trabaho dun."


Nagpapaka-busy ngayon ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa kanyang trabaho upang makapag-move on matapos ng kanyang failed relationship sa Filipino-British model na si Samantha Lewis. 

Nitong May 24, inamin ni Enchong sa kanyang panayam kay Boy Abuna sa late-night talk show nito na naghiwalay na sila ni Samantha matapos ang kanilang dalawang taong relasyon.

Read: Enchong Dee finally admits breakup with Samantha Lewis

Sa press conference ng bago nitong show sa Knowledge Channel na AgriCOOLture kahapon, June 8, diretsahang tinanong si Enchong ng ilang entertainment writers kung naka-move on na siya sa breakup nila ni Samantha.

Hindi naman na nagdalawang-isip pa si Enchong na sagutin ang tanong.

Pahayag ng aktor, “Nakapag-move on na po ako dahil nga sa dami ng trabaho na ginagawa ko ngayon.

“I think yun din yung naging dahilan kung bakit kailangan ko rin bumalik kasi parang nakalimutan ko yung pagtatrabaho ko for the past two years while I was in the relationship.”

Dagdag pa ni Enchong, “At the same time, I'm enjoying the process of moving on because I'm 100 percent at work. 

“Sabi ko nga sa calendar ko, parang, 'Bakit naman punung-puno?' 

“And then I realized I said yes to many things because I wanted to be busy.”

REASON FOR BREAKUP. Sa hiwalay na panayam matapos ang presscon proper, tinanong din ng entertainment press si Enchong kung ano nga ba ang dahilan ng kanilang hiwalayan. 

Sagot niya, “Marami, marami naman factors and, sabi ko nga, siguro karamihan nung mga factors na yun sa akin yung problema. Kasama na yung trabaho dun.”

Nakakausap pa rin naman daw ni Enchong si Samantha kahit na tapos na ang kanilang relasyon. 

Paliwanag niya, “Sabi ko nga, hindi mo naman puwedeng basta-basta tanggalin yung tao na minahal mo, e, di ba?”

Ikinuwento pa nito nung nagkita sila ng kapatid ni Sam na si Adam Lewis sa Doha, Qatar, kung saang may show si Enchong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung nasa Doha ako, kinita ko yung kapatid niya kasi nandun siya.

“Tapos nag-send kami ng pictures na, 'Eto na yung kapatid mo. Ang laki-laki na ng tiyan.' Ganyan-ganyan. 

“Sabi niya, 'Yeah, I'm planning to migrate also...'

“Kasi, di ba, she's British so she's planning to move back to UK.”

Kinuha na rin ng media ang reaksiyon si Enchong kung ano ang masasabi nito sa bali-balitang may bago nang boyfriend si Sam.

Ngunit sabi nito, “I wouldn't really know.

“Parang too sensitive at too early for me to ask that kind of question.

“Tapos naman na kami, di ba, so I think it depends on the person.”

Samantala, gaya ng huling panayam ni Enchong tungkol sa kanyang love life, hindi muna raw ito ang priority nito kundi ang kanyang trabaho.

“Wala muna po, magse-save muna ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN