Vina Morales stands by bullying allegation against Cedric Lee; wants sole custody of their daughter

Nanindigan si Vina Morales sa kanyang naunang pahayag na binu-bully siya at ang kanyang pamilya ni Cedric Lee. Umaasa naman ang singer-actress na mapagbigyan siya ng korte sa kanyang motion na sole custody sa anak nila ni Cedric na si Ceana.


Hindi na raw nakayanan ng singer-actress na si Vina Morales ang araw-araw na pangbu-bully sa kanya at sa pamilya niya ng dating karelasyon na si Cedric Lee sa loob ng halos tatlong taon.

Si Cedric ang ama ng pitong-taong gulang na anak ni Vina na si Ceana.

Ito ang ikinuwento muli ni Vina sa media sa hearing nila kahapon, June 8, sa San Juan Regional Trial Court kaugnay ng kanyang mosyon na suspendihin muna ang visitation rights ni Cedric kay Ceana.

Ito ay pagkatapos ng diumano’y sapilitang pagtangay ni Cedric sa kanilang anak sa loob ng siyam na araw nitong nakaraang Mayo.

Read: PEP EXCLUSIVE. Vina Morales files complaint against Cedric Lee for forcibly detaining their daughter

Mangiyak-ngiyak na sabi ni Vina sa ABS-CBN Online, “Alam mo iyong tao na ayaw mang-away, iyong hindi mahilig mang-away.

“Matapang ako, pero ayaw ko ng away.

“Pero alam mo iyong taong binu-bully ka araw-araw. Matututo kang lumaban, e.”

Ikinuwento rin niya ang ‘bullying tactics’ diumano ni Cedric.

Isa na rito ay nangyari noong taong 2013, kung saan gumawa-gawa raw ng reklamo si Cedric laban sa kanyang kasambahay.

Tinakot daw ito ni Cedric at pinagbantaang ipakukulong kapag hindi siya mabigyan ng pagkakataong mabisita si Ceana.

May isa pa raw pagkakataong pumunta ang driver ni Cedric sa eskuwelahan ni Ceana at sinuntok daw ang yaya nito sa mukha.

Pero wala raw silang konkretong ebidensiya laban kay Cedric tungkol dito.

Sabi pa ni Vina, “Takot na takot kami noon.”

Pinayagan daw niyang magkaroon ng pagkakataong magkita ang mag-ama tuwing Sabado, pero ngayon, dahil sa pangyayari, umaasa si Vina mabigyan ng sole custody sa anak.

“I am praying na sana madinig na ng korte iyong complaint ko. I'm praying for the best.”

Diin pa ni Vina, nakaramdam daw talaga si Ceana ng trauma nang iwan ito ni Cedric sa isang restaurant, ayon na rin sa kuwento sa kanya ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero mariin itong pinabulaanan ni Cedric sa ipinadalang pahayag sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee refutes ex-girlfriend Vina Morales's allegations

Binigyan ng limang araw ng korte ang kampo ni Cedric upang sagutin ang inihaing motion ni Vina.

Pansamantala namang itinigil ng korte ang visitation rights ni Cedric sa anak.

Patuloy na makikipag-ugnayan ang PEP sa kampo nina Vina at Cedric para sa maaari pa nilang ihayag tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN