Maricel Laxa-Pangilinan poser arrested by PNP anti-cybercrime group

"Maraming salamat po sa lahat ng tumulong upang matuklasan ang kaso ukol sa aming mga fake accounts," says Maricel Laxa-Pangilinan about the arrest of her poser.


Nagpapasalamat si Maricel Laxa-Pangilinan sa pagkakahuli sa kanyang poser na diumano'y nangikil pa sa ilang mga kakilala ng aktres.

Sa kanyang Facebook post, ipinaalam ni Maricel ang tungkol sa pagkakadakip sa 19-year-old na estudyanteng si Myca Acobo Aranda.

Nagpakilala ang nasabing suspek, na nahaharap sa kasong identity theft, bilang si Maricel sa pamamagitan ng paggamit ng mga personal na larawan ng aktres at pakikipag-usap sa mga contact nito sa Facebook.

Ginawan din ni Myca ng pekeng Facebook account ang asawa at mga anak ni Maricel.

Ayon naman sa press release ng Philippine National Police-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), napag-alaman ng kanilang grupo ang tungkol sa pagpapanggap ng suspek bilang si Maricel Laxa gamit ang fake Facebook account apat na taon na ang nakalilipas.

Subalit mas pinaigting ng PNP-ACG ang kanilang paalala tungkol sa naturang poser nang muli itong nambiktima sa pamamagitan ng pagbanggit ng diumano'y outreach program na gagawin ng mga anak ni Maricel.

Ayon sa asawa ni Maricel na si Anthony Pangilinan, isang Facebook user ang na-contact ng poser at humiling na mag-donate ng P5,000 para sa naturang outreach program.

Nakuha ng poser ni Maricel ang pera sa pamamagitan ng money remittance.

Bukod dito, may ilang pang kamag-anak at kaibigan ang nagsabi sa mag-asawang Pangilinan na sinubukan din silang hingan ng pera ni Myca sa pamamagitan ng Facebook messenger.

Narito ang naunang paalala ni Maricel tungkol sa kanyang poser sa Facebook:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN