President-elect Rodrigo Duterte promises comfortable life for all at Cebu thanksgiving

Malaki ang pasasalamat ni President-elect Rodrigo Duterte (center) sa mga taga-Cebu dahil sa landslide na pagkapanalo niya sa naturang probinsiya. Humingi naman ng paumanhin si Duterte na hindi siya masyadong makakilos dahil sa security protocol na kailangang sundin ng Presidential Security Group. Kasama ni Duterte sa larawan ang mga miyembro ng Bisaya Na Pud movement.


Mainit na palakpakan ang sinalubong ng lagpas sa 200 supporters ni President-elect Rodrigo Duterte sa thanksgiving nito sa Cebu, na ginanap sa Cebu Country Club, kagabi, June 8.

Karamihan sa mga dumalo ay mga negosyante sa Cebu at bloggers, ayon sa ulat ng Cebu Daily News.

Ang naturang thanksgiving party ay inorganisa ng Bisaya Na Pud Movement sa pangunguna ni Michael Diño, na namahala sa pagkampanya kay Duterte sa Cebu nung nakaraang halalan.

Si Diño ay naitalagang incoming presidential assistant to the Visayas ni Duterte.

Si Duterte ay nanalo sa lalawigan ng Cebu sa botong halos 1.2 milyon.

(Courtesy of Bisaya Na Pud movement)

Pribado ang pagtitipon at hindi pinayagan ang media na mag-cover sa loob ng event.

“MUARANG-ARANG ANG ATONG KINABUHI.” Ngunit pagkatapos ng kasiyahan, lumabas ng venue ang incoming president upang magpaabot ng kanyang pasasalamat sa mga Cebuano.

Sa video na in-upload ng ABS-CBN News Online, sinabi ni Duterte sa salitang Bisaya na maghintay lang daw ng kaunting panahon ang mga Cebuano at malapit nang gumanda ang kanilang pamumuhay.

“Salamat kayo ninyo. Dili mang ko mada sa gawas unya din man pud ko makighimamat sa tanang Bisaya.

“Kamo nalay da sa istorya nga nigawas ko ngari akong mensahe sa ila daghan kaayong salamat kay nagka presidente gyud nga Bisaya na.

“Unya kumusta man mo? Huwat-huwat lang kay muarang-arang ra lagi ang atong kinabuhi.

“Maningkamot ta nga muarang-arang. Basta ako magserbisyo ko kaninyo, ha.”

(“Salamat sa inyong lahat. Hindi man ako makalabas para makadaupang-palad kayong lahat na Cebuano, kayo na lang ang magsabi sa kanila na lumabas ako para ipaabot sa inyo ang aking taus-pusong pasasalamat. Kamusta na kayo? Hintay-hintay lang dahil malapit ng umasenso an gating mga pamumuhay. Pagsikapan nating umasenso tayo kahit papano. Basta ako, magsisilbi sa inyo.”)

BREAKS SECURITY PROTOCOL. Sa ulat naman ng GMA News Online, sinabi ritong lumabag si Duterte sa pinairal na seguridad ng Presidential Security Group (PSG) para sa kanya sa thanksgiving party.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bigla na lamang daw kasi itong lumabas sa venue pagkatapos ng party upang makausap ang ilang mga naghihintay na kababayan at media.

Sabi niya sa salitang Bisaya, “Sultia tong atong mga kaigsoonan ha nga sorry kaayo na kontrolado na ang akong [lihok]. Dili man na sila magpabuot. Sila man ang magbuot sa akong [lihok]. Naay panahon na magsunod ta ani.”

(Pakisabihan ang lahat nating mga kapatid na pasensiya na talaga at kontrolado ang aking kilos. Hindi kasi sila magpapamando [PSG]. Sila ang masusunod sa aking bawat kilos. May mga panahong susundin talaga natin ito.)

Isa namang Cebuana ang nagsabi na sana'y tuparin talaga ni Duterte ang pangakong sugpuin ang shabu dahil delikado raw talaga ito sa kanilang mga anak.

Pangako ni Duterte, “Naa’y panahon nga magsukod ta ani. Nakahibaw ko sa problema.”

("Darating ang panahon na magtutuos kami ng mga ‘yan. Alam ko ang problema.”)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN