Claudine Barretto, Mommy Inday confront 'Gretchen' on Instagram

Kahit nakaratay sa ospital, hindi napigilang kumprontahin ni Claudine Barretto ang ilang bashers sa Instagram account ng ina. Kung babasahing mabuti ang komento ni Claudine, mukhang ang kanyang kapatid na si Gretchen Barretto ang pinatatamaan nito.


Muli na namang bumanat si Claudine Barretto laban sa ilang bashers sa Instagram.

At base sa mga sagot ng aktres ay tila ang estranged sister na si Gretchen Barretto ang kanyang pinatatamaan.

Ngayong Huwebes, June 9, sa Instagram account ng kanyang inang si Estrella ‘Mommy Inday’ Barretto, binanatan ni Claudine ang naturang bashers dahil daw sa pagpatol sa isang matanda.

Nagsimula ang patutsadahan sa isang post ni Mommy Inday labindalawang linggo na ang nakararaan kung saan sinabi niya sa caption ng larawan ni Leon na “My true favorite apo.”

Si Leon ang bunsong anak ni Marjorie Barretto sa dating asawa na si Dennis Padilla.

My true favorite apo

A photo posted by @estrellabarretto on

“NONE OF YOU NAUSEOUS BUSINESS.” Unang nagkomento si @gretch1717, kung saan sinabi nitong sana raw ay magkaroon ng delicadeza si Mommy Inday upang hindi masaktan ang iba pa niyang mga apo.

Narito ang sagutan nila:

“YOU ARE EVIL.” Nagpaliwanag naman ang isang @renaitcourageux at si Pocholo Barretto na minsan daw ay itinatakas ng mga bata ang telepono ng kanilang mga lolo o lola upang mag-post ng larawan nila sa kanilang accounts.

Si Pocholo ay apo rin ni Mommy Inday at pamangkin ni Claudine.

Pero patuloy pa rin ang bangayan nina Mommy Inday at ng bashers.

“LEAVE OUR FAMILY ALONE.” Dito na sumingit sa usapan si Claudine.

Inatake niya ang naturang basher.

At kung pagbabasehan ang kanyang mga pahayag, parang ang pinatatamaan niya ay si Gretchen.

“STOP HIDING UNDER FAKE ACCOUNTS.” Isa pang nagkomento na may handle name na @litllelulu1345678910111213 ang nagsabing akala niya ay nasa ospital si Claudine at bakit nakaya pa nitong makipag-away sa isang basher?

Tanong pa niya: “So, it’s all drama Clauclau?”

Matagal nang may alitan sina Claudine at Gretchen. Pero hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaayos ang magkapatid.

Sangkot din sa bangayan ng dalawa ang kanilang inang si Mommy Inday.

Read: PEP EXCLUSIVE. Gretchen Barretto on Inday Barretto: 'My mother is the person who is deeply pained by my happiness.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN